Noong August 16 ay nagkaroon ng story conference para sa kauna-unahang drama series na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla, ang Indio.
“Hindi ako excited… excited na excited!” sambit ng actor-politician tungkol sa proyektong ito, sa taped interview sa kanya ng Startalk TX.
“Sabi ko nga, never pa akong gumawa ng isang soap. If ever na gagawa ako, I want a telemovie.
“Television, pero movie ang approach."
Sa January 2013 pa raw ipapalabas sa GMA-7 ang Indio, pero ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ito ni Bong at ng produksyon.
Paliwanag ng aktor, “I want a longer time, for effects, longer time for shooting.
“Ayoko nang minamadali, ayoko ng simpleng proyekto.
“Gusto ko… I want something big kasi minsan ko lang gagawin ito, e.
“This might be my first and last na telemovie na gagawing ganito.
“Habang bata pa tayo, gusto ko namang mabigyan yung mga tagahanga natin ng libreng mapapanood sa telebisyon. Of course, na epic proportion ang ating telemovie, malaking-malaki.
“Mahigit isang taon na naming pinaghandaan ito, e, dahil ultimo sa direktor, pumili tayo ng batang direktor na magha-handle nito, tapos yung sa casting.”
Ang direktor ng Indio ay si Dondon Santos, na bagong lipat mula sa ABS-CBN.
Dagdag pa ni Bong, “Parang pelikula talaga.
“Sabi ko nga, it’s a telemovie that’s why… ayokong sabihin na ito’y teleserye o epicserye. It’s a movie on television.”
Tatlo ang magiging leading ladies ni Senator Bong dito: ang Kapuso actresses na sina Jennylyn Mercado, Maxene Magalona, at Rhian Ramos.
“Mga bata kaya kailangang bata rin ako!” ang tumatawang sabi ng 45-year-old actor-politician.
“Kaya every morning nagwo-workout, diet… so I really have to look younger.”
Kabilang din sa malaking cast ng Indio sina Jomari Yllana, Agot Isidro, Polo Ravales, Robert Arevalo, Benjie Paras, Bobby Andrews, Maritoni Fernandez, at Chinggoy Alonzo.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
35 stan_stan
34 greatness
33 greatness
32 amang
31 milomilo123
30 callmekeylee
29 gorgeous_aleck
28 darl722
27 tangerine_dream114
26 lovetrip
25 spicy_tuyo
24 daiguro01
23 callmekeylee
22 yan_27
21 Manster10
20 kinabog
19 oneglobal
18 dappy
17 chowee143
16 Stantiel
more comments