MMFF MOVIE. Bukod sa kanyang telemovie, busy rin si Bong sa pelikulang pagsasamahan nila nina Vic Sotto at Judy Ann Santos—ang Si Agimat, Si Enteng, at Ako.
Banggit niya, “Nakaka-forty percent na kami ng shooting namin ni Vic Sotto and, of course, si Miss Juday.
“Napakasaya ng pelikula, talagang mas, kumbaga, mas pinakilig, mas nakakatawa, mas yung aksyon, mas malaki.”
Mas gamay na rin daw ngayon nina Senator Bong at Bossing Vic ang isa’t isa, at lalo pa raw sumaya sa set nang makasama nila si Juday.
“Yung Part 1, yung Agimat at Enteng, si Agimat dun, medyo stiff pa, e.
“Nung naka-adjust na si Agimat sa mundo ni Enteng Kabisote, iba na ngayon, so mas maraming nakakatawa na eksena.
“Pagka magkaeksena nga kaming tatlo, tawa kami nang tawa!
“Ang saya, ang saya-saya sa set, kaya makikita mo yung rapport naming tatlo at saka yung chemistry ng pagsasama namin, nandun.”
Entry sa Metro Manila Film Festival 2012 ang Si Agimat, Si Enteng, at Ako.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
35 stan_stan
34 greatness
33 greatness
32 amang
31 milomilo123
30 callmekeylee
29 gorgeous_aleck
28 darl722
27 tangerine_dream114
26 lovetrip
25 spicy_tuyo
24 daiguro01
23 callmekeylee
22 yan_27
21 Manster10
20 kinabog
19 oneglobal
18 dappy
17 chowee143
16 Stantiel
more comments