news

Mike Tan on the ups and downs of showbiz: "...ang showbiz naman, parang gulong lang din. Nanggaling na ako sa nanalo ako sa StarStruck, nasa taas, tapos bumaba. Ngayon, medyo tumataas."

by Rose Garcia posted on August 19, 2012  STATS: 8713 Views | 12 Comments

Ikinumkumpara ngayon si Mike Tan kay Mark Herras, ang nauna sa kanyang StarStruckwinner. Ani Mike: “Hindi ko iniisip na mas magiging sikat ako sa tao, ganoon. Kahit sa mall shows, never kong inisip na dapat paglabas ko, mas malakas ang tilian sa akin. Hindi, never kong inisip yun. Kasi para sa akin, hindi naman yun ang priority ko."

Photo By: Rose Garcia

Halos lahat ng nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, Agosto 17, na kasama sa cast and crew ng panghapong GMA-7 teleserye na Faithfully ay sinasabing masaya silang lahat sa set at nabuo na ang pagkakaibigan nila.

Sabi nga ng lead actor ntio na si Mike Tan, “Ok po kaming lahat. Masaya kami at talagang para kaming isang pamilya.

“Masaya, masayang-masaya talaga.”

Kinumusta ng PEP at ng iba pang press na umi-interview kay Mike ang character niya sa Faithfully.

Ang karakter ni Mike ay si Perry, na ayon sa 25-year-old aktor, ay isang sanggano nga pero mabait. 

“Mabait kung sa mabait…pero may kulo po,” paglalarawan ni Mike. “Pagdating sa pagiging protective, protective talaga siya sa mga mahal niya.

“Kaya niyang pumatay ng tao, ganoon si Perry.

“Kaya ko ngang bigla na lang magpaputok ng baril o bigla na lang bumaril,” sabi pa ni Mike tungkol sa kanyang Faithfully character.

Sa umpisa ng teleserye ay sila ni Isabel Oli ang pinagpareha. Pero may mga humuhula na sa ending ay sila ni Maxene Magalona talaga ang magkakatuluyan.

Sabi naman ni Mike, “Hindi ko rin po alam. Pero tingin ko po…hindi ko rin po kasi sigurado pagdating sa script. 

“Palagi pong depende. Paano po kung pagdating sa huling part ng script, hindi pala?”

 

CHALLENGING CHARACTER. Sinabi noon ni Mike na na-challenge siya sa unang pagkakataon sa pagiging leading man sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Dito sa Faithfully, ano ang bagong challenge sa kanya?

Sagot ng StarStruck Season 2 Ultimate Male Survivor, “Nakaka-challenge ang pagiging sanggano niya. Tapos biglang magsi-shift minsan na papatay na ng tao, nagloloko pa.

“Pagdating sa babae, mabait. Ganoon yung shifting ng ugali niya. Nakaka-challenge.” 

Co-leading man ni Mike sa Faithfully ang singer-turned-actor na si Marc Abaya.

Ano ang pagkakaiba ng character niyang si Perry sa character ni Marc na si Kevin?

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

12 Comments

  • 12  kikay75

    08/20/2012 | 12:50 PM
    Sobrang improve ngayon ni Mike. Sana alagaan sya ng GMA, lalu na may itsura at hindi bansut! matinee idol talaga.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  kapamskoo

    08/20/2012 | 08:28 AM
    it's your time to shine mike, may hitsura ka, matangkad at marunong umarte. Good luck.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  violet_blooms06

    08/20/2012 | 07:04 AM
    There is always a right time for everything.Goodluck mike tan.God bless u always.Good health.Be patient always.Love Lots.I am always be ur big fan.All the best for u..mwaaah
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jams_mom

    08/20/2012 | 12:34 AM
    mike has definitely improved a lot... medyo malamya pa sya sa kung aagawin, pero nakabawi sya sa Legacy...now, he really gives justice to his role on Faithfully...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • bacobaco

    08/19/2012 | 11:15 PM
    HUMUSAY GUMALING TUMINDI SA AKTING SA MIKE TAN HINDI NAGKAMALI ANG GMA7 SA KANILANG GINAWANG HAKBANG BIGYAN NG LEADING LEAD ROLE SI MIKE TAN MAHUSAY MAGALING MADAMI PA SIYANG ILALABAS AT IPAPAKITA, PASASABUGIN, PAIIYAKIN, PASASAYAHIN, PANGINGITIIN AT PA IIBIGIN PAG DATING SA AKTINGAN... NAKA MIKE TAN KASI ANG ISANG TUNAY AKTOR GUAPO, MATAAS, MATIPUNO, MAGALANG HIGIT SA LAHAT MODELO SA KABATAAN... CONGRATULATIONS TO GMA 7 YOU MADE A WISE DECISION DITO KAY MIKE TAN THUMBS UP KAMI SA INYO
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    violet_blooms06
    08/20/2012 | 08:56 AM
    congrats to simon ferrer for giving opportunity to those talents who are derserving for big breaks.yan na ang simula ng ikakaganda ng pamamalakad sa gmaac.
  • gorgeous_aleck

    08/19/2012 | 10:29 PM
    mas popular c mark kasi nakatatak na ang original starstruck winners pero kung sa patagalan, mas tatagal c mike kasi nag focus siya sa pag-improve ng sarili niya. maliban sa looks at height, marunong umarte. pwede siyang character actor, kaya niya maging mabait at salbahe.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    jakar
    08/20/2012 | 12:52 AM
    Tama... Ganyan ka galing ang hubibi 1 ko... Lmao
    kapamskoo
    08/20/2012 | 08:30 AM
    very well said.
    violet_blooms06
    08/20/2012 | 08:52 AM
    super agree
  • BERNARD2010

    08/19/2012 | 06:33 PM
    Sana hindi mawala ang pagtitiwala sa iyo ng GMA.Sana tuloy tuloy na ang magagandang projects.Sana in time magkaruon ka din ng award kase ang galing galing mong umarte.Goodluck Papa Mike Tan!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • napazu7

    08/19/2012 | 06:25 PM
    Mark Herras is still more popular than Mike Tan. Mas may trabaho lang si Mike kesa kay Mark pero kung pagbabasehan ang pagkilala ng mga tao sa kanilang dalawa, mas sikat pa din si Mark...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    violet_blooms06
    08/19/2012 | 07:20 PM
    hmmm it doesn't matter naman po kung sino mas sikat sa kanilang dalawa. Ang mahalaga nabibigyan sila ng breaks. Accdg. naman sa article Mike humbly stated that he's not after the fame at hindi sya nakikipag-compete kay MH.Magkaiba ang potentials at looks ng dalawang ST survivors, kung sa sayawan mas sikat siguro si mark pero kung sa actingan naman mas malayo na ang narating ni mike.ooops di po aq nakikipag-argue ha sinasabi ko lang po ang opinion ko.I really like both mark and mike.
  • violet_blooms06

    08/19/2012 | 05:46 PM
    Miss isabel oli is my favorite actress sa gma.She's really pretty inside and out,hindi nakakasawang tignan.Kaya no wonder kung sya ung type ni mike saka bagay nga sila sa faithfully,maganda din ung cheminstry nila.Sana mabigyan din ng big break si isabel oli kc pang lead role ang beauty nya saka magaling syang mag-act.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    bacobaco
    08/19/2012 | 11:19 PM
    AGREE NAPAKA HUSAY NAPAKA GANDA NAPAKA GALING NI ISABEL OLI LOOKING FORWARD NA BIGYAN SIYA NG ISANG LEAD ROLE NG GMA HINDI MAGSISISI ANG GMAQ KASI FOR SURE PAPATOK KASI NGA GOOD VIVE SI ISABEL OLI
  • violet_blooms06

    08/19/2012 | 05:00 PM
    Mike tan is really one of the most hottest and attractive men in entertainment industry.Aside from having great personalities,he is improving with his craft marami nang nakakarealize nyan ngaun.I admire you for giving justice to every role u portray like in faithfully,talagang carry mo..superb acting!I like u for being so humble claiming that u are a celebrity at higit sa lahat super tyaga mo.Hindi ka nagmamadali pero i believe na someday u'll gonna make it to the top lalo na ngaun na marami ka nang napatunayan. One of the most deserving leading men...I am hoping that the new brand manager of gmaac will continue giving u projects with meatier roles.Basta keep soaring high,,always put yourself on the ground and syempre be God-centered!This is ur chance to shine...xoxo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    violet_blooms06
    08/19/2012 | 05:03 PM
    miss isabel oli is my favorite actress sa gma,,she's really pretty inside
  • jakar

    08/19/2012 | 04:02 PM
    Yatta!!! Don't worry my loves ako prin nag super super over mega no.1 fan NYo ni Luis alandy... God bless!!! Good health and Goodluck!!! Continuous na yang blessings mo dahil bukod sa may ibubuga ka... Gwapo... Marunong ka ring maghintay ng tamang Panahon ... Muah muah chup chup
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lefty

    08/19/2012 | 02:55 PM
    ang laki ng iniprove nya sa acting at sa luks..Gudjob mike!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About