news

Maxene Magalona says no hurt from a breakup will come close to the hurt of losing a dad

by Rose Garcia posted on August 19, 2012  STATS: 22358 Views | 4 Comments

Hindi na raw iindahin ni Maxene Magalona kung ayawan siya ng boyfriend o kaibigan: “I really lost the most important person in my life. Kung sinuman ang ayaw nang makipagkaibigan sa akin o makipagrelasyon sa akin, hahayaan ko na. Ile-let go ko na. Ano pa ang gagawin ko, pipilitin ko ang tao to stay with me? E, ayaw naman na niya.”

Photo By: Noel B. Orsal

Ayon kay Maxene Magalona, may similarities daw sila ng Faithfully character niyang si Stella.

“Actually, yung similarity, madaling magtiwala at saka super mabait, na in the sense na hindi ko na napapansin kapag may nagti-take advantage o nagiging masama na pala sa akin,” simulang kuwento ni Maxene.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang Kapuso star sa taping ng Faithfully, nung Biyernes, August 17.

“Para sa akin, ‘Hindi, hindi, wala lang yun.’  Hindi ko nakikitang masama.  Ang palagi ko kasing tinitingnan, yung mabuti sa isang tao. 

“So, ganoon ako.  Ganoon ang pagkakapareho namin ni Stella, na parang I choose to see the good in people and I refuse to see kung ano ang masasama.

“Later on, kailangan ko ring magkaroon ng tamang judgment, and that’s what Stella lacks. 

“Minsan, ganoon nga ako.  Hindi ko nakikita ang tamang judgment.”

Binago na ba niya ang ganitong mga ugali?

“I see it as a guideline,” sagot ni Maxene.

“Dapat nga hindi ako maging ganoon.  Siyempre, hindi naman madali, di ba? 

“Ako, I’m such a positive person.  Super masayahin lang ako. 

“Kapag may negative thoughts o nangyaring masama, ayokong pansinin kung maaari. Pero, nari-realize ko na kailangan ko rin talagang ma-realize na life isn’t always happy, parang ganoon.” 

INACTIVE FOR SIX MONTHS. Anim na buwan daw nabakante ang GMA-7 talent bago dumating ang Faithfully.

Ang huling teleseryeng ginawa niya ay ang Pahiram ng Isang Ina.

May lumabas ding balita noon na binalak na niyang lumipat sa ABS-CBN.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • dreamer

    08/20/2012 | 09:36 AM
    Lol sa inyong 3!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • violet_blooms06

    08/20/2012 | 07:58 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    violet_blooms06
    08/20/2012 | 10:20 AM
    no comment!
  • milomilo123

    08/20/2012 | 07:00 AM
    no comment
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • geethreeg3

    08/19/2012 | 10:08 PM
    No Comment
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About