news

Chris Tiu will play for Rain Or Shine; picked seventh overall in the 2012 PBA Draft

by Erwin Santiago posted on August 19, 2012  STATS: 10493 Views | 5 Comments

Tuloy na tuloy na ang pagsabak sa Philippine Basketball Association ni Chris Tiu (kaliwa) matapos siyang piliin ng Rain Or Shine sa ginanap na 2012 PBA Draft ngayong gabi, August 19. Ang Cebuano naman na si June Mar Fajardo (kanan) ang naging No. 1 overall pick matapos siyang kunin ng Petron sa first round.

Photo By: Noel Orsal / Jerome Ascano

Bukod sa magiging No. 1 Overall Draft Pick, isa sa inabangan sa katatapos lamang na 2012 PBA Draft ay kung saang team maglalaro ang sikat na basketeer/TV host/commercial endorser na si Chris Tiu.

At ang team na pumili sa dating Ateneo Blue Eagles team captain ay ang Rain Or Shine, ang kasalukuyang may hawak ng Philippine Basketball Association championship crown.

Ginanap ang 2012 PBA Draft Pick event sa Robinson's Place Midtown Mall sa Ermita, Manila, kanina, August 19.

Bago ang draft pick ay hinulaan ng ilang basketball experts na isa si Tiu sa magiging top picks, at hindi bababa sa fifth pick ang magiging ranggo niya.

Pero hindi ito nangyari. Seventh overall draft pick ang sikat na TV personality at commercial endorser.

Marami rin ang umasa na mapunta si Tiu sa pinakasikat na koponan sa PBA, ang Barangay Ginebra.

Nagsigawan nga ang mga nasa Robinson's Place nang banggitin ni PBA Commissioner Chito Salud kung sino ang pinili ng Ginebra bilang first-round pick nila.

"Chris" kasi ang binanggit na pangalan ni Commissioner Salud, ngunit hindi Tiu ang apelyido.

Sa halip, ang kinuha ng Ginebra ay ang Fil-Am na si Chris Ellis, na siyang naging sixth overall pick.

Sa interview ni Tiu pagkatapos niyang mapili ay sinabi niyang masaya siyang mapunta sa Rain Or Shine.

Bukod sa malapit na kaibigan ng kanyang pamilya ang mga may-ari ng kumpanya ay makakasama niya rin sa koponan ang kaibigang si TY Tang.

TOP 10 PICK. Gaya ng inaasahan, ang No. 1 Overall Draft Pick ngayong taon ay ang 6'10" na si June Mar Fajardo, na pinili ng Petron, na nakakuha ng first slot sa sampung koponan sa PBA.

Star player ng University of Cebu si June Mar bago siya nagdesisyong sumali sa PBA.

Pangalawang pumili ang Alaska, at ang kinuha nila ay ang NCCA star na si Calvin Abueva, na naging Second Pick Overall.

Sa ikalawang pick ng Petron Blaze sa first round ay kinuha nila si Alex Mallari, na naging Third Pick Overall.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

5 Comments

  • forceblader666

    08/21/2012 | 10:57 AM
    Wala naman yata draft coverage dati ang PBA nuong 90s halos ngayon ngayon lang yn. as usuall copy from NBA. tapos ung all star nila north vs south. SMC naman ang yumayaman dyan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • stan_stan

    08/20/2012 | 10:31 PM
    ok din sana kunin ng ginebra si chris tiu, pero syempre dahil wholesome din ang tv persona ni tiu e malamang hindi sya magsa-swak sa marketing package ng ginebra. nakakapanghinayang naman sa bmeg kasi 8th silang pumili sa 1st round pero 7th ang rain or shine kaya nauna itong mapili si tiu. either ros or bmeg, swak ang image ni tiu dun. sana lang ma-utilize ng ros ang skills at marketing value ni tiu.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • julie_ann13

    08/20/2012 | 02:26 PM
    sana sa Most Popular team Ginebra ka nalang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ramon_2347

    08/20/2012 | 11:52 AM
    akala q talaga ginebra sya..sayang..malakas naman si chris ellis..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ian15yeah

    08/20/2012 | 11:32 AM
    Aw. kala ko sa BMEG na. . anyway good luck!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About