news

Kris Lawrence on dismissal of Katrina Halili's case against Hayden Kho Jr.: "Hindi naman kailangang problemahin. We’re in a new chapter in our lives."

by Ruben Marasigan posted on August 20, 2012  STATS: 21594 Views | 10 Comments

Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Kris Lawrence sa nalalapit na panganganak ng girlfriend niyang si Katrina Halili. Aniya, “What keeps me going strong is just seeing her. Kapag nakikita ko yung tiyan niya, sobrang nag-i-smile lang ako. Lalo na, you know, this is huge news! We’re gonna be responsible for another life."

Photo By: Noel Orsal

Kapansin-pansin ang pagiging masaya at excited ng singer na si Kris Lawrence nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, August 19.

Masaya siyang nagkuwento tungkol sa nalalapit nang panganganak ng girlfriend niyang si Katrina Halili sa kanilang anak.

“She’s good! She’s really good. We’re both excited.

“September 17 ang sabi ng doctor. Pero, I know, puwedeng mapaaga o kaya ay ma-late ng one week or two weeks.

“Sobrang alaga niya… she’s always taking her vitamins. Always sleeping early,” sabi ni Kris tungkol kay Katrina.

May naisip na rin daw silang pangalan para sa kanilang baby girl: “Katrence.”

Paliwanag ng R&B singer, “Well, it’s Katrina and Lawrence merged into one. And I wanted something unique na name kaya iyon ang naisip namin.”

BABY SHOWER. Kumpleto na ba ang mga gamit ng parating nilang baby girl?

“Uhm… hindi pa. We’re waiting for the baby shower. 

“Kasi a lot of people’s recommendation, huwag munang mag-shopping. Hintayin muna raw yung baby shower. 

“'Tapos saka na lang kami bumili kung ano pa yung kulang.”

First week of September daw ang plano nilang mag-baby shower, pero hindi pa sila nakakapag-invite.

“Siguro this week, we’ll gonna send out invitations. 

“Yeah, for close friends lang… yung dito sa Party Pilipinas.” 

Binanggit ni Kris ang mga kasamahan niya sa show na sina Jay-R, Mark Bautista, Rachelle Ann Go, Dennis Trillo, Mark Herras, Ynna Asistio, Jennylyn Mercado, at Geoff Eigenmann.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  Dennisse_01

    08/21/2012 | 08:54 AM
    Napakabuti mong tao Kris, i like you, fan mo na ako, hindi ka mapanghusga, and to katrina, focus mo lang sa pamilya niyo at sa career mo pagkatapos mong manganak...don't dwell on the pass, i know how much you wanted to fight but let the justice of heaven decide on it. Kaya don't do it again.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • puckerlips143

    08/21/2012 | 07:59 AM
    Ng dahil dyan kris lawrence fans mo na ako. Asahan mo ang suporta ko sayo sa mga projects at cds mo dahil isa kang mabuting tao at mapagmahal hindi mapanghusga goodluck sa inyo ni katrina at sanay biyayaan kayo ng matalino maganda at healthy na baby.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • qwertyuiop000

    08/20/2012 | 11:36 PM
    Sana nga kasal naman ang isipin nyo after the baby dahil kawawa naman ang baby nyo na lumaking walang blessing sa taas ang pamilya nya... iyon ang magpapakumpleto sa buhay ng bata. Di naman kailangan ng bonggang kasalan kung financial aspect ang hahadlang, just a simple church blessing is enough. At sana lang kung wala mang balak pakasalan ni Kris ay mabago sana ang isip nya ng anak nila... lalo na pag ngumiti na ang baby sa kanya, dun nya mararamdaman lalo ang sarap ng pagiging magulang. at sabi nga, "the best gift a husband can give to his child is his love for the child's mother". pag malungkot kasi ang nanay ay malungkot din ang anak, vice-versa. Magkadugtong kasi ang pusod ng mag-ina kaya sobrang mahal na mahal nila ang isa't-isa. Kaya nga ang Catholic church ay ino-honor talaga si mama Mary.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    aiveec
    08/21/2012 | 04:10 AM
    qwertyuiop000, kawawa ang baby kapag hindi sila ikinasal? Ilang taon ka na ba ineng, 13? Hindi mo pa alam ang reality ng buhay. Hindi kawawa ang mga baby kapag hindi ikinasal ang mga magulang nila. It is ideal, pero wala tayo sa ideal world, nasa real world tayo.
  • LosAngeles

    08/20/2012 | 11:02 PM
    Oh yes thank you Kris! pls tell her to focus on new life and move on.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cj_03

    08/20/2012 | 10:03 PM
    Ganyan ang true love, khit gaano kpangit ang nkaraan kyang lunukin dahil sa pgmamahal. So proud to both of you lalo na sau kris. To kat, wag mo nang pkwalan c kris, u r such a lucky girl to hav him.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gobernadora

    08/20/2012 | 09:47 PM
    swerte nila pareho dahil magkakababy na sila! sana pag talagang magkasundo ang ugali at mahal na mahal nyo ang isa't isa.... MAGPAKASAL NA RIN KAYO!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • southerngirl1

    08/20/2012 | 08:23 PM
    Ang alam ko ang nagbibigay ng showers, baby or bridal iyong friends or relatives hindi ang honoree mismo. Kasi parang nanghihingi ka ng regalo. Behind the times na ba ako?
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    milomilo123
    08/20/2012 | 09:38 PM
    sobrang talino mo. may nagrunongrunngan na naman
    pearl102
    08/20/2012 | 09:56 PM
    Usually a bff or very close friends or family member ang nag oorganize ng baby shower.
  • memayz

    08/20/2012 | 08:15 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bananakiller00

    08/20/2012 | 07:35 PM
    wow ang swerte naman ni kat kay kris.. in fairness dami nagsasabi na mabait si kat talaga..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gaybscbnchannelchew

    08/20/2012 | 06:39 PM
    swerte naman ni katrina kay kris...wish u all the best lalo na sa baby...:
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About