Isa si Maxene Magalona sa mga artistang masarap interbyuhin—lalo na kung relaxed siya sa kanyang kausap—dahil hindi siya maramot sa pagsasabi kung ano ang nilalaman ng isip niya o nararamdaman niya.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kay Maxene noong August 17, sa taping ng Faithfully, may nagbato ng tanong kay Maxene kung ano ang stand niya sa pre-marital sex.
Noong una ay tila asiwa pa si Maxene na sagutin ito dahil hindi naman daw niya gustong pag-usapan ang sex life niya.
Pero sa huli ay malaya niyang ipinahayag ang kanyang saloobin sa sensitibong usaping ito.
“Yeah, I do approve of it," sabi ng aktres patungkol sa pre-marital sex.
Paliwanag niya, “Iba na ang panahon ngayon.
“I’m Catholic, don’t get me wrong. I believe in God, everything… Catholic ako.
“Pero ang sa akin, kung may sarili tayong paniniwala… Times are changing and we all should adapt.
“And, for me, in order for a relationship to work, you have to test your sexual chemistry.
“Sa akin, ganoon, ha.”
SEXUAL COMPATIBILITY. Naniniwala rin si Maxene na mahalagang bago mo mapakasalan ang isang tao, alam ninyo kung sexually compatible kayo o hindi.
“I mean, you’re gonna get married to this guy, if you don’t have sexual chemistry, how will you last a lifetime with him?” rason niya.
Paano yung mga pabor sa pre-marital sex ngunit single parents ngayon?
Sabi ni Maxene, “For me, yung sinasabi ko, iba na ang panahon ngayon.
“And if you want a relationship to work, parte talaga ang sex diyan, e.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
164 gossiphungry
163 alabs4ever
162 kahula
161 chezko
160 magnus_ni
159 pilyangmaganda
158 randylove
157 trinoma_rat
156 itnok
155 BERNARD2010
154 lovelike
153 hkmutya
152 endot
151 qatarpink
150 skittlesrainbow
149 MolybdenumStudios
148 bananakiller00
147 rockabye
146 liwayway
145 whatever536
more comments