“Ang pilosopiya ko riyan, dapat no worries. Kasi, kapag prinoblema mo ang mga ganoong bagay, masisira lang ang trabaho mo,” pahayag ni Renz Fernandez nang tanungin tungkol sa pressure ng pagkukumpara sa kanya sa mga magulang na sina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez, na parehong mahuhusay na artista.

Photo: Rose Garcia

Pagkatapos ng patikim niyang acting sa Your Song Presents Kim, kasama ang Kapamilya actress na si Kim Chiu nung isang taon, heto’t full-time na talaga sa showbiz si Renz Fernandez. 

At ang una niyang teleserye ay pinamagatang Little Champ.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renz sa ginanap na pictorial ng cast ng bagong teleserye, sa isang studio sa Makati may ilang linggo na ang nakararaan.

Sa pakikipag-usap ng PEP sa 26-year-old na bunso nina Lorna Tolentino at yumaong aktor na si Rudy Fernandez, kapansin-pansin ang pagiging kritiko nito sa sarili pagdating sa pag-arte niya sa teleserye.

“Makikita n'yong may mga sablay akong ginawa sa acting ko, pero, marami ring maganda,” ani Renz.

“Natuto rin ako rito kung paano.

“Hindi naman ako ekperiyensado masyado sa aspeto ng acting. Pero, yun, feeling ko, nag-i-improve ako at natutuwa ako. 

“Panoorin nyo na lang para makita n'yo, at sana, mapatawa ko kayo at mapangiti ko kayo,” patuloy ni Renz.

Gagampanan ni Renz ang papel ng isang truck driver na magkakaroon ng malaking koneksiyon sa batang bida sa series, na gagampanan naman ng batang aktor na si JB Agustin.

Kasama rin sa teleserye sina Coleen Garcia at Senator Lito Lapid.

PREPARATIONS. Anu-ano naman ang preparasyong ginawa ni Renz para sa una niyang teleserye?

“Nag-workshop, workshop, workshop.

“Basa ng libro, experience… At kailangan kasi sa artista, binubuhay mo buhay mo.

“Kung malungkot ka, kailangan maging totoo ka palagi,” sagot ni Renz.

“Actually ang dami kong mali,” pagkritiko ng binata sa sarili, “minsan, ang galaw ng ulo ko."