news

Renz Fernandez does first teleserye; not worried about being compared to parents Lorna Tolentino and Rudy Fernandez

by Rose Garcia posted on August 21, 2012  STATS: 24075 Views | 12 Comments

“Ang pilosopiya ko riyan, dapat no worries. Kasi, kapag prinoblema mo ang mga ganoong bagay, masisira lang ang trabaho mo,” pahayag ni Renz Fernandez nang tanungin tungkol sa pressure ng pagkukumpara sa kanya sa mga magulang na sina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez, na parehong mahuhusay na artista.

Photo By: Rose Garcia

Pagkatapos ng patikim niyang acting sa Your Song Presents Kim, kasama ang Kapamilya actress na si Kim Chiu nung isang taon, heto’t full-time na talaga sa showbiz si Renz Fernandez. 

At ang una niyang teleserye ay pinamagatang Little Champ.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renz sa ginanap na pictorial ng cast ng bagong teleserye, sa isang studio sa Makati may ilang linggo na ang nakararaan.

Sa pakikipag-usap ng PEP sa 26-year-old na bunso nina Lorna Tolentino at yumaong aktor na si Rudy Fernandez, kapansin-pansin ang pagiging kritiko nito sa sarili pagdating sa pag-arte niya sa teleserye.

“Makikita n'yong may mga sablay akong ginawa sa acting ko, pero, marami ring maganda,” ani Renz.

“Natuto rin ako rito kung paano.

“Hindi naman ako ekperiyensado masyado sa aspeto ng acting. Pero, yun, feeling ko, nag-i-improve ako at natutuwa ako. 

“Panoorin nyo na lang para makita n'yo, at sana, mapatawa ko kayo at mapangiti ko kayo,” patuloy ni Renz.

Gagampanan ni Renz ang papel ng isang truck driver na magkakaroon ng malaking koneksiyon sa batang bida sa series, na gagampanan naman ng batang aktor na si JB Agustin.

Kasama rin sa teleserye sina Coleen Garcia at Senator Lito Lapid.

PREPARATIONS. Anu-ano naman ang preparasyong ginawa ni Renz para sa una niyang teleserye?

“Nag-workshop, workshop, workshop.

“Basa ng libro, experience… At kailangan kasi sa artista, binubuhay mo buhay mo.

“Kung malungkot ka, kailangan maging totoo ka palagi,” sagot ni Renz.

“Actually ang dami kong mali,” pagkritiko ng binata sa sarili, “minsan, ang galaw ng ulo ko."

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

12 Comments

  • 12  avidreader53

    08/21/2012 | 10:22 PM
    KUng pinagaral nila Lorna ito , sa exclusive school pa, bakit nagartista pa rin ang patungohan? Buti pa si Mark, kahit hindi nakatapos, mas sikat kesa kapatid niya. Oh well, mga artista, they realize at the end na nasa showbiz pa rin ang pera. Look at KC.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    onechismis
    08/21/2012 | 10:34 PM
    kasi naman silang mga anak ng artista, gusto talaga na nila since nakikita nila yung parents nila kaso ang wish ng mga magulang makapagtapos tas ang wish naman ng mga batang yan e pagkatapos ng college pumasok sa pag- aartista. tagal na naman nila sinasabi especially KC, though I'm not a fan of hers, naiintindihan ko naman yung side niya.
    eazypinoy
    08/21/2012 | 11:00 PM
    naku naman don't compare him to mark..unang una mark started as a teen nung nasa abs-cbn pa siya diba nasa gwapings group sya nun. Kasisimula pa lang ni Renz sa showbiz so give him time.
  • 11  merlion_25

    08/21/2012 | 08:05 PM
    Lito Lapid starrer serye?? BWAHAHAHAHA! so ewwwww!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  jemorz

    08/21/2012 | 06:59 PM
    tagal dn ng pinaghintay ni RENZ, sa wakas eto na ang knyang big break. well at least may maipgmmlaki xang diploma na wla ang mraming tgashobiz. pgbutihin mo pra mrating dn ang superstar status na narating nna LORNA TOLENTINO at RUDY FERNANDEZ
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jemorz

    08/21/2012 | 06:48 PM
    ok cla preho. kanya2 lng ng type yn, type nyo tsura ni mark, go! if mukang korean actor nmn type nyo, go 4 renz fernandez.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jemorz

    08/21/2012 | 06:46 PM
    aba bago pa lng c renz mukang may rivalry na cla ni mark anthony dto a, tamang tama mgklaban dn ang network. lol wait muna, dami ng projects c mark, nagistart pa lng c renz e
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angel_laos

    08/21/2012 | 05:46 PM
    mas may dating si mark kesa dito k renz
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shiffu

    08/21/2012 | 04:29 PM
    Saw Mark Anthony in person super yummy, he doesn't look his age. Gudluck Renz sa unang teleserye. :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    08/21/2012 | 03:43 PM
    c mark kahit na married ay papable pa rin. magaling pang umarte, talbog c richard.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jemorz
    08/21/2012 | 06:52 PM
    u mean mas mgaling mgdrama c mark ksa k richard? parang d nmn ata papayag nyan c anabel drama, hehe
  • silverline

    08/21/2012 | 01:46 PM
    gwapo talaga si mark anthony at magaling pa umarte
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pepreader123

    08/21/2012 | 12:52 PM
    Oo nga no worries. Tama ka. Porke anak lng ng showbiz couple, pinalalaki na ng mga reporters. Daming issues dapat unahin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lefty

    08/21/2012 | 12:46 PM
    mas gwapo pa rin si mark
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • skittlesrainbow

    08/21/2012 | 11:46 AM
    hindi ko makita ang image ni rudy fernandez sa mga anak nila ni lorna. buti pa si mark anthony parang mini me ni rudy.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    angel_laos
    08/21/2012 | 05:45 PM
    tama si mark ang carbon copy ng tatay nya.
    jemorz
    08/21/2012 | 07:01 PM
    carbon copy? d rin, cge itabi mo pic nna rudy at mark, d rn nmn cla mgkmuka e

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About