Nasa Stage 4 na ang breast cancer ng direktor na si Marilou Diaz-Abaya. Pero sa kabila nito, nagpapakatatag pa rin ang anak nito at Faithfully star na si Marc Abaya.
“Nagsimula po this year, after ng Ikaw Ang Pag-Ibig. She had it since 2007, Stage 1. Nawala noong 2008. 2009, Stage 2. Then nawala, then lumala.
“On good days, she’s good. On bad days, she’s bad,” pagbabalita ni Marc tungkol sa kalagayan ngayon ng kanyang ina nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Faithfully nung Biyernes, Agosto 17.
Ano yung sinasabi niyang good days ng mommy niya?
“Nanonood ng Faithfully,” nakangiting sagot ng rocker turned actor.
“She’s very proud sa amin ng kapatid ko. Kasi my brother, doon naman siya sa pelikula sa kabila. Director of photography siya. Si David Abaya. So, lumabas si Mommy to watch it.”
Ang sinasabing "pelikula sa kabila" ay ang Star Cinema production na The Reunion, kunsaan D.O.P (director of photography) si David.
DIREK MARILOU’S DONATION TO JESUITS. Kailan lang daw, ipinamahagi na ni Direk Marilou ang archives—o koleksyon nito ng mga libro at mga pelikula—sa mga Hesuwita o Jesuits.
“Yes, she did, especially her books.
“Mga ‘Jedi Master’ niya yun, e,” biro pa ni Marc, na paghahalintulad sa mga paring Hesuwita sa mga matatalinong Star Wars warrior-sage characters.
Nangyari nga ang pagdo-donate ni Direk Marilou nung nakaraang buwan.
Ang Jesuit-run na Jescom o Jesuit Communications sa Ateneo de Manila University ang pinagbigyan ng direktor ng kanyang mga koleksyon ng libro, scripts, pelikula, at iba pang memorabilia sa 32 taon niya sa Philippine Cinema.
Si Direk Marilou ay isang Jescom trustee. Ang grupo ring ito ang nag-produce ng 2007 ABS-CBN TV drama niyang Maging Akin Muli starring Marvin Agustin, Noel Trinidad, at Sandy Andolong.
Nagturo rin ng film courses ang direktor sa Ateneo sa loob ng 27 taon.
Pero ani Marc, binigyan din daw sila ng koleksyon ng kanyang ina.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
5 lavender_crush
4 lavender_crush
3 gayfairy
2 jams_mom
1 gobernadora