Hindi nakasama ni Enzo Pineda ang rumored girlfriend niyang si Louise delos Reyes sa isang simpleng birthday dinner niya with family and loved ones noong August 12.
Abala kasi sa taping ng One True Love ang aktres at laging out-of-town ang location ng taping ng GMA-7 teleserye.
May pangako si Louise na babawi na lang daw kapag nagkita sila ni Enzo. At meron din daw itong surpsise birthday gift para sa aktor.
Tungkol dito ang unang naitanong ng PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) kay Enzo nang makapanayam sa Party Pilipinas nung Linggo, August 19.
“Hindi pa kami nagkikita, as of now. Kasi pareho kaming busy sa trabaho,” sabi ng binatang katu-22 years old pa lang.
“Pero magkasama naman kami sa shooting ng Basement. So, I guess that’s the time na puwede na kaming mag-bonding.”
Ang Basement ay isang indie film directed by Topel Lee, kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakasama sila ni Louise.
At ngayong araw na ito, Martes, August 21, daw ang shooting na magkasama sila ni Louise.
Baka sa set na ng nasabing pelikula ibibigay ang sinasabi ng aktres na surprise birthday gift nito para sa kanya?
“Siguro. Tingnan natin!” sabay ngiti ni Enzo.
“Pero sa akin, okey nang gift yung time na makasama ko siya."
BASEMENT. “Itong Basement is a horror-suspense-thriller na movie.
“Actually, maganda ang story nito. Kasama rin namin ni Louise dito sina Sarah Lahbati, Kristofer Martin, Tj Marquez, Kevin Santos, and iba pang Kapuso stars.
“Sa story, mata-trap kami sa basement ng isang hospital. ‘Tapos may mga bagay-bagay na mangyayari do’n,” kuwento ni Enzo.
Pero sa Basement, magkasama lang sila ni Louise at hindi magkapareha.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 worryfreebabe
5 flightforge29
4 Adikreader
3 pinoyako24
2 no_spin
1 merlion_25