“Most of my scenes are gonna be with Sarah Lahbati. ‘Tapos sina Louise naman at Kristofer Martin ang magkakasama.
“I can’t say much. Gusto ko, abangan ng mga tao ito. This is a very intense na movie.
“Actually, marami akong first time dito. And happy ako sa mga eksena ko. It’s a challenge for me. Kaya gagalingan ko talaga sa movie na ito.
“Isang may asawa na may kabit ang role ko rito. Nag-workshop ako for this. Para mailabas yung different side of Enzo na nakikita nyo sa TV.
“So, siguro ibang Enzo ang makikita nyo rito.
“And, of course, kahit sabihin na hindi ko pa na-experience in real life yung may asawa, tapos may other woman pa, in a way ay kaya kong ma-internalize yung character.
“Tingin ko, kaya kong ma-fulfill yung role ko. That I can do it,” paniniwala ni Enzo.
WANTS TO SHOWCASE ACTING SKILL. Bukod sa Basement, may isa pa siyang indie film na gagawin.
Ito ay ang Bang Bang Alley, with Sarah Lahbati as his leading lady.
“It’s about a massacre. Isang NBI agent naman ang character ko rito. At si Sarah naman will play the role as the only witness.
“And I’m just really happy na nabibigyan ako ngayon ng ganitong opportunity na makapag-portray ng mabibigat at challenging roles.
“Para ma-showcase ko yung acting skill ko.
“Gustung-gusto ko naman talagang umarte, e. Love ko ‘yong trabaho ko bilang artista.
“So, challenge ito para sa akin,” pagpapatuloy pa ng StarStruck season five First Prince.
READY TO SHOW MORE. Bukas na raw si Enzo sa idea na mag-portray ng mga mature roles.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 worryfreebabe
5 flightforge29
4 Adikreader
3 pinoyako24
2 no_spin
1 merlion_25