news

Louise delos Reyes and Alden Richards admit they sweat over giving something new to their audience with every project

by Kathleen Benavidez posted on August 21, 2012  STATS: 7895 Views | 17 Comments

“Parang, panibagong eksena, panibagong io-offer na hindi lang… 'Ay nakita na namin 'yan sa My Beloved, ay nakita na namin 'yan sa Alakdana, e.' So, yun po, andun po yung kaba namin—to offer something new sa audience po,” ani Alden Richards tungkol sa pakiramdam nila ng kaparehang si Louise delos Reyes sa kanilang mga eksena sa One True Love.

Photo By: Kathleen Benavidez

Na-extend pa ng apat na linggo ang teleseryeng One True Love nina Louise delos Reyes at Alden Richards.

Masaya ang dalawa sa naging pagtanggap ng mga manonood dito. May ilan pa ngang nagsasabi na tila makatotohanan na raw ang mga eksena nila sa teleserye.

Sagot ni Louise, “Hindi ko alam. Pero kung [oo], siyempre, flattered ako.

"Kailangan, siyempre, makatotohanan, kasi hindi kami si Louise at si Alden, e.

"Kami si Elize at si Tisoy," banggit ni Louise sa pangalan ng characters nila ni Alden sa One True Love.

“Ang pangit naman kung sasabihin, 'Ay, parang hindi naman, ay parang hindi bagay…'

"So, hindi rin namin nabibigyan ng justice yung dapat naming ibigay sa characters namin.

“Effective kami. Parang yun yung pinakaimportante sa ‘min.

"Na kahit alam ng mga tao na hindi kami, naniniwala sila na may something,” dagdag pa ni Louise.

Sabay na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Alden at Louise sa Thanksgiving Party ng nasabing teleserye, noong August 16, sa dining hall ng Studio 7, GMA Network Studios.

MORE CLOSE NOW. Nang tanungin pa si Louise kung sa tingin niya ay nade-develop na ang ka-loveteam na si Alden sa kanya, sagot nito: “Basta kami ngayon, mas close kami sa isa’t isa.

"At masasabi ko, close kami in a way na sobrang concerned namin sa isa’t isa.

“'Tapos kapag… kasi dati in-between takes, hindi kami masyado nag-uusap, e. Although close talaga kami. Kapag work, work talaga.

“Hindi yung sobrang magkatabi kami.

"Pero ngayon, magkatabi kami, magkausap kami. Napapag-usapan namin yung hindi namin napapag-usapan before.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  kikay75

    08/22/2012 | 03:53 PM
    super ganda ng OTL! Magaling ang naka isip ng teleserye na ito. Super addict tuluy ako serye, hindi makukumpleto araw ko pag di ako nakapanood nito sa gma.tv. Minsan nga pag tumatawag ako sa Pinas topic namin ng mother ko OTL! Ang galing din ni Raymond Bagatsing at Agot. Sana lalu pang gumanda ang story sa extension.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  pinaskongmahal

    08/22/2012 | 02:43 PM
    hindi lang naman ang OTL ni Tisoy and Elise ang ipinapakita sa teleseryeng ito even ang pagiging OTL ni Bembol kay Jean at ni Agot kay Raymond.Ipinapakita sa teleserye ang tinatawag na unconditional love. Hats off ako sa GMA when they build up their talents hindi ibinebenta ang loveteam and hindi rin pinipilit na mayroong something para lang kagatin ng viewers .Kaya naman ang abs starlets mag dedeny hanggang malalaman na lang na break na pala.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  alimango21

    08/22/2012 | 02:09 PM
    Munting Heredera was also one of the best Ive seen... nun simula at gitna,,, kaso nging OA nun na-extend extend p,,, sana wag mging gnun ang kapalaran ng OTL... m-maintain sna un sense ng story n hindi OA ang twists. I so love OTL too... Alden, Louise, Agot, Raymond, Tiya Pusit, Benjie, un anak anakan ni benjie, Caridad, Jean, Bembol... and the rest are really very good. si Suzette Doctolero yta ang writer nito, so credit must also be given to her aside from the director
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  offshore

    08/22/2012 | 10:54 AM
    hey bkit d mabasa comments
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  ooooopppppsssss

    08/22/2012 | 10:17 AM
    haaaaayyyy ang galing ng OTL, the best sa lahat ng soaps, hindi kumpleto ang araw ko pag hindi ko ito napanood. Walang panama ang ABS. galing...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  BERNARD2010

    08/22/2012 | 09:56 AM
    Basta napakagaling ni Alden at Louise sa OTL.Mga mata nila ang umaarte.Konti lang ang mga dialogue nila pero ang lalim nila umarte.Grabeh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  sk8r_boi

    08/22/2012 | 09:28 AM
    one thing i like about his soap, WALANG masyadong kissing scenes. ung story tlg ang binebenta nila dito at hindi ang lust. typical kasi sa pinoy drama, konting titigan, halikan agad. i like OTL a lot!! congrats dahil extended. sana lang hindi masira ang flow ng story sa kaka-extend.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  jagjof

    08/22/2012 | 09:26 AM
    Kugn nasa GMA ang pinaka-magandang teleserye ngayon, nasa GMA din ang pinaka-walang kwentang telserye na Unfaithful. Nakakabuwisit panoorin walang kasing panget ang direction at sobrang mga bano umarte ang mga artista yun ay dahil sa walang kwentang director na din....halos ng characters ay mga pinanganak atang mga enghot at kahit yung bidang babae na si Stella ay napaka-ungangot. Hindi ka makikisimpatya sa kanyang kahangalan. Yung mga bhitchy na babaeng kontrabida, mapapamura ka kahit hindi ka nagmumura. Yun ay hindi dahil sa galing nilang kontrabida, ayun ay dahil napaka-OA nilang umarte.....Gusto nyong uminit ang mga ulo nyo, panoorin nyo ang pinaka-walang kwentang teleserye na nagawa ng GMA na UNFAITHFUL......lol
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    sk8r_boi
    08/22/2012 | 09:31 AM
    actually, bumitiw na rin ako sa Faithfully. i thought palaban na si stella, pero anga anga pa rin. kakainis!
    BERNARD2010
    08/22/2012 | 09:53 AM
    Agree ako dyan!
    kinabog
    08/22/2012 | 10:12 AM
    thanks for watching. kaya pala ang taas ng RATINGS! LOL!
    jakar
    08/22/2012 | 01:48 PM
    Tama ka.... Mganda ang umpisa Nya nag Taka rin ako kala ko palaban na is Stella .... Hayyyy
  • jagjof

    08/22/2012 | 09:21 AM
    nagiging sirang plaka na ako sa kakapuri sa OTL. I think OTL is one of the finest teleserye na nagawa sa pinas. Kudos sa staff ng OTL, lalo na sa director na si Andoy Ranay na parang si Danny Zialcita na kilalang gumagawa ng movies na very smart and witty. Parang sa direksyon ni Zialcita walang thangang characters at walang OA na conflicts. Ganundin sa OTL, mamahalin mo ang mga characters may lalim ang bawat isa at walang dialogo na pang-normal ma teleserye. Tama si Jean Garcia sa pagkaka-describe kay Agot Isidro, she is the most underrated actress na nakilala ko. Napakagaling nya sa OTL....Actually kung susuriin mo ang OTL may pagka-philosophical siya iintindihin mo ang mga dialogo at malalaman may kalaliman siya...BRAVO OTL!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    kinabog
    08/22/2012 | 10:13 AM
    i agree!
    mrsenchong
    08/22/2012 | 01:29 PM
    sige nalang, delusional
  • Dennisse_01

    08/22/2012 | 08:32 AM
    grabe, i miss na talaga, brown out pa rin hanggang ngayon sa barangay namin dito sa Kasibu, Nueva Vizcaya...koryente, nasaan ka na..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thunder_1273

    08/22/2012 | 08:25 AM
    Ang ganda ng episode kagabi.... nakakadala yung eksena na nagkita na sila sa ospital.... galing magpatulo ng luha kala mo totoo na nangyari sa kanila yun... may kasama pang sipon hehehe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamskoo

    08/22/2012 | 06:09 AM
    ganda nila at galing pang umarte. They were so good in last nights episode. Galing talaga nilang dalawang umarte.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tilapyangmataba

    08/22/2012 | 01:18 AM
    ano ba tinira nito at pagpapasampal ang trip?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    08/22/2012 | 01:11 AM
    Hindi yata kumpleto ang araw ko kapag na miss ko ang episode ng OTL.Mas intense yung bawat eksena.Mas maganda at malinis ang pagkakagawa ng istorya.Magaling ang direktor.Magaling ang buong cast.Nakakaaliw ang pagmamahalan ni Elise at Tisoy.Nakakakilig.Nakakaiyak.Nakakatakot kung ano ang ending.Sana huwag mamatay si Elise.At sana mag-extend pa ng bonggang bongga.Kung matapos man eh sana may Book 2.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iambrainfulgay

    08/22/2012 | 12:15 AM
    kahit yun mga haters nanonood ng OTL napapanganga sila eh haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jams_mom

    08/22/2012 | 12:03 AM
    louise and alden have come a long way... they have proven their worth as primetime actors... ganda ng OTL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    08/21/2012 | 11:29 PM
    Ang galing2x talaga ni Tisoy at Ellize. We're all hooked to One True Love via GMA Pinoy Tv.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About