The Cinemalaya 2011 entry Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa is one of the films being considered by the Film Academy of the Philippines for the country's official entry to the 85th Oscar Awards. The film stars seasoned actress Jean Garcia and promising actors Rocco Nacino and Paulo Avelino (in photo).

Photo: File

Itinanggi ni Leo Martinez, director general ng Film Academy of the Philippines, na nakapili na ang FAP selection committee ng magiging official entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film category ng Oscar Awards next year.

Kumalat kasi sa iba't ibang blogsites at social networking sites kahapon, August 21, ang balitang ang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa na raw ang napili upang maging kinatawan ng Pilipinas sa 85th Academy Awards.

Sa pamamagitan ng text message sa PEP ngayong umaga, Agosto 22, ay itinanggi ni Leo ang kumalat na balita: "No, not yet."

Ayon sa aktor at director general ng FAP, "before end of September" pa iaanunsiyo ang mapipiling pelikula.

Kabilang ang indie film na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, idinirek ng baguhang direktor na si Alvin Yapan, sa pitong pelikulang pagpipilian.

Ang iba pang pelikulang ikinunsidera ay ang mga sumusunod: Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ni Tikoy Aguiluz,

Segunda Mano ni Joyce Bernal;

A Mother's Story ni John-D Lazatin,


The Witness ni Muhammad Yusuf (co-production ng Pilipinas at Indonesia),

Busong ni Aureaus Solito,

at Captive ni Brillante Mendoza.

Ang mga pelikulang ito ay ipinalabas sa Pilipinas mula sa period na October 2011 hanggang July 2012.

Kinunsidera rin ng FAP ang iba pang mga pelikula na nakakuha ng "A" rating mula sa Cinema Evaluation Board at ipalalabas ngayong Agosto at sa Setyembre.

Nakasaad sa rules ng Oscar Awards, upang mag-qualify ang isang pelikula para sa Best Foreign Language Film category, dapat ay naipalabas ito commercially, at least seven consecutive days, in the period from October 2011 hanggang September 2012.

Ang komite na pipili kung anong pelikula ang ilalahok ng Pilipinas sa Oscars 2013 ay binubuo ng mga sumusunod:

National Artist for Film Eddie Romero (chairman), FAP deputy director-general Robert Arevalo, Directors Guild of the Philippines secretary Jose N. Carreon, Philippine Motion Picture Directors’ Association president William Mayo, Production Designers Guild of the Philippines president Manny Morfe, United Film Editors Guild of the Philippines president Jess Navarro, director Elwood Perez, at actress-director Gina Alajar.