news

Kapuso tween stars Barbie Forteza, Derrick Monasterio, and Kim Komatsu celebrate their birthdays with children from Manila Boys Town

by Glen P. Sibonga posted on August 22, 2012  STATS: 2608 Views | 11 Comments

Nagbigay ng isang hapon ng kasiyahan ang GMA-7 talents na sina Derrick Monasterio, Barbie Forteza, at Kim Komatsu sa Foundling Home ng Manila Boys' Town. Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng kanilang mga kaarawan at outreach program na rin ng GMA Artist Center.

Photo By: Glen P. Sibonga

Sa halip na magarbong parties, pinili ng Kapuso tween stars at GMA Artist Center (GMAAC) talents na sina Barbie Forteza, Derrick Monasterio, at Kim Komatsu na ipagdiwang ang kanilang nagdaang mga kaarawan sa piling ng mga bata sa Manila Boys’ Town Complex sa Parang, Marikina.

Ginanap ang pagdiriwang kahapon, Agosto 21.

Masayang-masaya ang mahigit sa 50 kabataan, edad 3 to 12, mula sa Foundling Home ng Manila Boys Town sa birthday party at outreach program na inorganisa ng GMAAC.

Parang nakatagpo ng mga bagong ate at kuya ang mga bata kina Barbie, Derrick, at Kim.

Tuwang-tuwa naman ang tatlong tween stars nang makausap sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama ang GMA News crew, dahil naging makahulugan daw ang selebrasyon ng birthday nila.

Nag-birthday si Barbie, 15, noong Hulyo 31; si Derrick, 17, noong Agosto 1; at si Kim, 18, noong Agosto 14.

Ayon kay Derrick, “Iba yung feeling kasi parang, usually, yung mga teenagers ngayon, isini-celebrate yung mga birthday sa mga gimik, ganun.

“Iba yung parang birthday-for-a-cause—yun nga yung parang sinasabi nila—kaya masarap yung feeling, nakakataba ng puso.”

Dagdag naman ni Kim, “At saka sobrang saya kasi hindi ka lang nag-enjoy, nakatulong ka pa.”

Ipinagmalaki naman ni Barbie ang mga bata dahil game na game daw ito na sumali sa lahat ng activities sa program.

Sabi ni Barbie, “Masaya kasi hindi sila mahiyain. Bibong-bibo silang lahat kaya nakakatuwa kasi parang nakaka-energize.”

Nagkaroon ng games para sa mga bata, at mismong sina Barbie, Derrick, at Kim ang nagdala ng mga papremyo mula sa kanilang sponsorships at endorsements.

Pinakain din nila ang mga bata at pagkatapos ay hinandugan ng mga awitin.

Nakisayaw rin sila sa mga bata kasama ang mascot ng isang sikat na food chain.

BIRTHDAY WISHES. Sunud-sunod daw ang blessings na natatanggap nina Barbie, Derrick, at Kim kaya nang matanong kung ano ang birthday wishes nila ay nakamit na raw nila ang mga ito.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  rhiamags

    08/22/2012 | 10:17 PM
    kim komatsu talaga ang name? kaloka! hahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  merlion_25

    08/22/2012 | 08:26 PM
    The Philippines' MOST loved teen stars TODAY - GMA7 Tween Stars! The rest are all copycats and wannabe's.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    zephyrinthesky
    08/23/2012 | 01:42 AM
    Echosera! Eto sardinas at noodles! Kumain k n!!
  • sk8r_boi

    08/22/2012 | 05:14 PM
    happy birthday, mga tweens!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jams_mom

    08/22/2012 | 03:20 PM
    charitable even at a young age... this is nice... hindi pilit ang pagbibigay... walang media hype BEFORE the actual event...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    08/22/2012 | 01:42 PM
    God bless!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kinabog

    08/22/2012 | 01:20 PM
    Wala daw purchasing power. Hibang ka ba? May mga commercials na sila at pinili pa si Derrick bilang youth ambassor. mataas din kinita ng tween academy movie. mamatay kayo sa inggit. LOL!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    futyakmod
    08/22/2012 | 05:35 PM
    sana ipagmalaki mo din ang kita ng Just one summer.
  • p4n4lo

    08/22/2012 | 01:18 PM
    wow purchasing power daw o...ano ba pinagmamalaki ng kapamz? na nakakabili sila ng 150 pesos na movie tickets to watch a tagalog movie? chipness di ba bren?
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    kinabog
    08/22/2012 | 01:24 PM
    korek!
    jakar
    08/22/2012 | 01:42 PM
    Hihihi
    zephyrinthesky
    08/22/2012 | 01:53 PM
    Patawa! Anung bank account mo? Deposituhan ko ng 200 pesos pra nmn me pampanuod k ng Just One Summer! Ayun tuloy 4 n lng ata ang sinehan nito ngyon! Cheap dw tagalog movies e anung movies b gngawa ng mga kapuso e di mga tagalog movies din! BO BITA KASHIWARA!!
  • ambrossia

    08/22/2012 | 01:12 PM
    kumbaga sa pera silang mga gma stars na walang purchasing power!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jakar
    08/22/2012 | 01:41 PM
    Ko nga kaya nganga ang ratings ng katapat ng shows nila ano?!
  • loyalkapuso_usa

    08/22/2012 | 01:10 PM
    Henriettopex!ikaw ang malaking DA WHO!buti nga tong mga bata na to napapakinabangan!ikaw kaya nagkameron na ng silbi!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    mrsenchong
    08/22/2012 | 01:18 PM
    nagka-MERON FTW! LOL
  • henriettopex

    08/22/2012 | 01:03 PM
    Da who?
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    real_scores
    08/22/2012 | 01:10 PM
    henriettopex Yan mga yan na TINATAWAG mong Da who ay yung NAGPAGAPANG sa mga katapat nilang palabas sa Dos. Remember Growing up? he he
    kinabog
    08/22/2012 | 01:27 PM
    pati show ni kim chui gumapang. LOL!
    jakar
    08/22/2012 | 01:41 PM
    Back to school nakasulat na mga names di pa rin kilala o mangmang lang
    sk8r_boi
    08/22/2012 | 05:13 PM
    kilala lang kasi nya ung mga mukhang katulong na starlets ng doslaos. ano nga pala katapat na show ng Luna blanca? DA WHAT and DA WHO!!!
    futyakmod
    08/22/2012 | 05:31 PM
    yong show ba nila dati ay pinapalabas pagkatapos ng PP? dba mataas ay ratings non sa agb, pero bakit Tigok? dba mataas din ang ratings ng pumalit na show? pero bakit lipat oras lipat araw? very credible talaga nga agb kaya palaging NGAnga
  • merlion_25

    08/22/2012 | 01:03 PM
    The Philippines' most popular teen stars - GMA7's Tweenstars!
    Reply |  7 Replies
    0   0   0  
    mrsenchong
    08/22/2012 | 01:19 PM
    di ba pag sinabing popular kilala? Eh bakit hindi ko kilala kung sino si sino?
    kinabog
    08/22/2012 | 01:29 PM
    kinuhang youth ambassador hindi kilala? are you kidding me? mamatay ka sa inggit. LOL!
    jakar
    08/22/2012 | 01:40 PM
    Ok Lang un.... Di ka rin naman nila kilala eh... Hahaha
    kinabog
    08/22/2012 | 01:41 PM
    lalo ka na inggit ka. LOL!
    real_scores
    08/22/2012 | 02:08 PM
    mrsenchong DOON ka kasi NAGBABABAD sa NALULUGI mong TV network PAANO mo sila MAKIKILALA eh NASA NUMERO uno WALANG utang at MALAKING kita na Network sila? Di ba?
    jams_mom
    08/22/2012 | 03:19 PM
    mrsenchong, kilala mo ba si enchong, yung tunay na enchong?
    futyakmod
    08/22/2012 | 05:27 PM
    eh kumusta naman ang movie ng most popular, promising, talented, best loveteam na Julie-Elmo nyo? may sinihan pabang nagpapalabas ng movie nila? Kayo kasi eh, mahilig kayong magclaim kaya NgaNga.. pahiya!

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About