news

Neil Coleta "proud" to star with Gary V, Zsa Zsa, Ogie, and Eugene in I Do Bidoo Bidoo

by Arniel C. Serato posted on August 22, 2012  STATS: 2885 Views | 6 Comments

Neil Coleta on starring with some of the best singers and actors in the country: “Siyempre, nakaka-proud sa sarili ko kasi hindi naman ako magaling kumanta o sumayaw. Ang kaya ko lang gawin ay magpatawa lang.”

Photo By: Melo Balingit

Isa sa mga fast-rising young stars ngayon ay ang commercial model na si Neil Coleta.

Ang commercial niya para sa isang brand ng iced tea ang nagpasikat talaga kay Neil.

Matapos nito ay kabi-kabila na ang proyektong ginawa niya sa bakuran ng ABS-CBN—ang Rosalka, 100 Days To Heaven, Growing Up, at ang kasalukuyang palabas na Aryana.

Noong Linggo, August 19, sa Trinoma mall show ng musical film na I Do Bidoo Bidoo, isa si Neil sa mga tinilian ng fans.

Isang masayang Neil naman ang humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng kanyang production number.

Nang tanungin kung ano ang papel niya sa musical film na I Do Bidoo Bidoo, hindi raw niya puwedeng ipaliwanag.

"Role ko, abangan ninyo kong ano yung character ko dito. Kasi di puwedeng malaman, e—surprise talaga,” sabi niya.



PROUD NEWCOMER. Labis-labis naman ang kasiyahan ni Neil na kahit baguhan pa lamang siya ay nakasama na niya ang mga bigating artista at singers sa industriya.

Dito sa I Do Bidoo Bidoo, ng Studio5 at Unitel Pictures, ay kasama niya sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Eugene Domingo.

Sabi ni Neil, “Siyempre nakaka-proud sa sarili ko, kasi hindi naman ako magaling kumanta o sumayaw.

“Ang kaya ko lang gawin ay magpatawa lang.

“Pero kasama ko sina Sir Gary, sila Miss Zsa Zsa, Miss Uge, at si Sir Ogie.

“Siyempre nakaka-proud na makasama ko sila.”

Paghanga pa rin niya sa senior stars: “Sila Sir Gary, napaka-down to earth. Bilib ako sa kanila kasi napakabait nila, sobra.

“Si Miss Zsa Zsa, ganun din.

"Kasama ko sila dati sa ASAP, tapos ngayon sa movie, ang bait nila, sobra!”



PRODUCTION NUMBERS. Bukod sa pag-arte ay kumanta rin ba siya sa pelikula?

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

6 Comments

  • Angel_Wings

    08/23/2012 | 01:31 AM
    nakakatawa to sya sa 100 days
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • zephyrinthesky

    08/23/2012 | 01:17 AM
    Haha! Buti p ang da whong c Niel Coleta me movie with big stars gary, zsazsa, eugene and company! D katulad ng mga starlets ng gma ni commercials wla!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    merlion_25
    08/23/2012 | 01:44 AM
    da whooOOOOOOOOOOOOO??? hahahaha!
  • merlion_25

    08/22/2012 | 09:35 PM
    da who'ng DA WHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO????????????????????????????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • real_scores

    08/22/2012 | 09:02 PM
    APAT na palabas isa lang MEDYO pumatok. GUMAPANG ang Growing Up, LUGMOK ang Aryana at HINDI man LANG NARAMDAMAN yung ROsalka.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    merlion_25
    08/22/2012 | 09:36 PM
    tamang tama ka dyan real_scores. Yan talaga ang REAL SCORE ng ABSCBN teen starlets. LOL!
  • engG_24

    08/22/2012 | 06:17 PM
    nakilala lang naman po xa sa Nestea tvc..... magaling din naman umarte....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Einstein_1

    08/22/2012 | 06:14 PM
    da who
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About