news

Jennylyn Mercado on relationship with Luis Manzano: “Sana nga, suwerte si Lucky!”

by Rey Pumaloy posted on August 23, 2012  STATS: 59296 Views | 20 Comments

Napakaraming projects ni Jennylyn Mercado sa GMA-7 ngayon at masasabing masuwerte siya. “Sana po talaga. Kasi ang gusto ko lang naman talaga, magtuluy-tuloy ang trabaho ko para sa future ng anak ko. Pero yun nga lang, ayaw ko rin namang mag-expect kasi baka kasi pansamantala lang.”

Photo By: Noel Orsal

Apat ang regular shows ni Jennylyn Mercado sa GMA-7—ang Hindi Ka Na Magh-iisa, Protégé, Party Pilipinas, at H.O.T. TV.

Balitang kasama pa siya sa uumpisahang epic serye ng Kapuso Network, ang Indio, na pagbibidahan ni Senador Bong Revilla at tinatawag nitong "telemovie." Kasama rin dito sina Rhian Ramos at Maxene Magalona.

Sa estado ng career ni Jennylyn, masasabing siya na ang pinaka-abala at in-demand talent ng istasyon sa kasalukuyan.

Naungusan na niya ang tinaguriang Primetime Queen na si Marian Rivera, na dati’y kaliwa’t kanan ang mga TV shows.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa dressing room ng H.O.T. TV nitong nakalipas na linggo.

Sinabi nitong wala siyang maisip na dahilan kung bakit binabagyo siya ng sangkaterbang trabaho, ngunit walang pasubaling ikinatutuwa niya ito.

“Siguro ano, e. Last year din ganito—mga second quarter.

“Last year, yung first quarter, Party Pilipinas lang at Showbiz Central lang ang ginagawa ko. 

“So, mula Lunes hanggang Saturday, wala talaga. Literally, wala talaga akong ginagawa.

“So, ngayon, tuwing second quarter, napapansin ko na busy talaga ako.

“Parang feeling ko, yun talaga ang panahon na ibinibigay sa akin.”


GETTING HOT. Panahon na bang uminit muli ang career niya sa TV?

“Sana… sana po,” masaya niyang asam.

“Sana po talaga. Kasi ang gusto ko lang naman talaga, magtuluy-tuloy ang trabaho ko para sa future ng anak ko.  

“Pero yun nga lang, ayaw ko rin namang mag-expect kasi baka kasi pansamantala lang.

“Kung ano lang yung ibinibigay sa akin, tinatanggap ko.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

20 Comments

  • 20  mr_law

    08/28/2012 | 01:05 PM
    Swerte ng babaitang itetch nakabingwit ng malaking isda.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  chikadee

    08/28/2012 | 11:05 AM
    she looks stunning and to think na meron na siyang anak.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  jphilipg

    08/24/2012 | 02:33 PM
    Wow. She is stunning.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  merlion_25

    08/24/2012 | 12:53 AM
    Encantadia Book 2 : Jenn, Lovi, Carla and Heart. Love it. Exciting!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  Dennisse_01

    08/23/2012 | 05:24 PM
    how about the Encantadia: The Second Saga, paging GMA 7...hmmmpp, parang maganda ito, sana nga.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jakar
    08/23/2012 | 05:41 PM
    Don't worry mas pinagaganda pa kc para Bongga ang pasok... Unahin muna ung Kay bong R. Jen... Marian... Carla ... Isabel oli ang mga bet ko...
  • 15  callmekeylee

    08/23/2012 | 03:57 PM
    and oh, add Carla Abellana too. If only they were given the right projects...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  callmekeylee

    08/23/2012 | 03:55 PM
    Jennylyn, Lovi and Heart are GMA's finest actresses.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  oneglobal

    08/23/2012 | 03:17 PM
    may panahon ka pa ba sa sarili at anak mo....
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    chowee143
    08/23/2012 | 08:13 PM
    wala na! plage nkababad ke lucky hehehe pag walang taping
    MikeShaw2
    08/24/2012 | 01:32 AM
    kayo may time pa ba kayo sa mga anak nyo!?? WALA NA! plage nkababad sa PEP! nakikialam sa buhay ng may buhay!
  • 12  oneglobal

    08/23/2012 | 03:14 PM
    she is really a hot mama...hot as her career..big time jennylyn...she is part also of the upcoming indio for early next year.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  chikadee

    08/23/2012 | 03:08 PM
    ang ganda ni jen. parang walang anak.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  thorns_143

    08/23/2012 | 01:25 PM
    jen and lovi are the better girls of GMA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Orangina_123

    08/23/2012 | 12:49 PM
    Parang Ogie Diaz din na mabait sa asawa at mga anak.
    Reply |  7 Replies
    0   0   0  
    dustmyeat
    08/23/2012 | 01:18 PM
    c tita swarding din mabait.
    manofdhr
    08/23/2012 | 01:25 PM
    Dun ka mag comment sa laos mong idol at manood ka ng Thy Tomb first day ipalabas dahil for sure pull out after first day.
    Orangina_123
    08/23/2012 | 01:32 PM
    Ay! May nakawalang aso...hihihi
    Orangina_123
    08/23/2012 | 01:34 PM
    Mabait din sa asawa at anak si Arnel Ignacio...hihihi
    Orangina_123
    08/23/2012 | 01:46 PM
    Si Jun Encarnation, mabait din sa asawa at mga anak...hihihi
    Queenofkings
    08/23/2012 | 11:47 PM
    Orang, You don't have substance to be funny!!!
    Lef
    08/28/2012 | 09:04 AM
    May orangutan na jokla din na nakawala
  • BelleGrey

    08/23/2012 | 11:16 AM
    Beautiful and fresh - looking.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • labadista

    08/23/2012 | 11:02 AM
    "Naungusan na niya ang tinaguriang Primetime Queen na si Marian Rivera, na dati'y kaliwa't kanan ang mga TV shows." wala lang. gusto ko lang ipost dito hahahahaha
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    pearl102
    08/23/2012 | 07:37 PM
    Kapag sunod sunod ang project ni Marian Rivera, nagrereklamo kayo na kesyo wala na bang ibang artista ang GMA. Ngayon namang yung iba ang binibigyan ng chance marami ka pa ring DAKDAK. TARDS ka nga ng DOS bwahahaha
    labadista
    08/23/2012 | 08:15 PM
    omaydir perlaling, nako-consume ka na ng kapaitan mo. indi ka pa nagbasa. pano nangyari maging dos fan ako e nood nga ako ng HKNM kahit panget yung istorya. at, wala po akong reklamo kung sandamukal ang shows ni madam marian mo. nilagay ko lang yan kasi lagi nyo sinasabi na namber wan ang idolet mo pero wat now? nyahahahaha. isa pang at, wala akong probz kung bigyan ng chance yung iba ta-artits. mas mabuti nga yan para indi maumay mga nanonood. kaya ikaw, mag analyze ka muna bago ka magdadakdak dyan nga walang kawenta wentang argumento nyahahaha bleh
    jams_mom
    08/23/2012 | 10:27 PM
    at talagang idamay na naman si marian... fyi, si marian mismo ang tumatanggi sa trabaho at nagrequest na wag muna syang pagtrabahuhin... ang isang taong secured na sa sarili nya na hindi nya na kailangan pang magtrabaho para mabuhay, malakas ang loob na tumanggi sa trabaho...
    pearl102
    08/24/2012 | 02:43 AM
    "Wala lang gusto ko lang ipost dito hahaha."----- Eh gah gah ka naman pala, ako ang sasabihan mo ng kapapaitan eh nambubully ka. We Marian fans don't want to say bad things sa ibang mga artista ng GMA na never done any harm to Marian kaya huwag mo ng isingit ang name ni Marian dito. Nananahimik yung isa tapos kapag may nag response sa yo dami mong dakdak...para kang patong jokela na quack ng quack hahahaha
  • labadista

    08/23/2012 | 10:57 AM
    okay naman tong si jen kahit saan siya. kaya lang hampanget ng istorya ng HKNM. pwede ba, tapusin na yun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    08/23/2012 | 10:00 AM
    Napakabait naman kase siguro ng babaeng ito.Kitang-kita ang kaamuan ng mukha nya.Magaling na aktres.May ibubuga din sa paghu-host.At mukha napaka propesyunal sa kanyang trabaho.You deserves it Jen.At saka bagay talaga kayo ni Lucky.Kinikilig ako lalo na nung nag-guest ka sa show nya.Tlagang pinanuod ko yon!Sana kayo na talaga!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • puckerlips143

    08/23/2012 | 09:49 AM
    sana next si lovi din si carla at jen sila favorite ko na mapanood sa primetime.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iamvaine

    08/23/2012 | 09:33 AM
    deserving naman kasi sya! sya lang nakikita kong napaka talented sa GMA7.. kaya wag na pakawalan baka maagaw ng ABS! she deserves the Title of GMA Queen, ke marian na lang primetime Queen! :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • terronez08

    08/23/2012 | 07:35 AM
    Toma, 4 and regular shows ni Jennylyn. Sya ngayon ang pinakamaraming shows sa GMA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    08/23/2012 | 05:56 AM
    correction po, 4 po ang regular shows niya. hindi kana mag-iisa tuwing hapon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About