news

Maja Salvador on Matteo Guidicelli pursuing her after their breakup: “No. Wala, wala nang effort.”

by Kathleen Benavidez posted on August 23, 2012  STATS: 64540 Views | 24 Comments

Maja Salvador on receiving a Best Actress award: "Parang panggising ko yun sa sarili ko, na magtiwala ka na sa sarili mo. Ayan na o, binigyan ka na ng award. Magtiwala ka na sa sarili mo."

Photo By: Kathleen Benavidez

Agosto 3 nang unang kumpirmahin ni Maja Salvador, sa early morning show na Kris TV, ang breakup nila ni Matteo Guidicelli.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja noong August 21, sa Bgy. Kapitolyo, Pasig City, sa studio shoot ng kanyang latest endorsement na Coby Kyros Internet Tablet.

Binanggit nina Maja at Matteo sa mga nauna nang interviews na mayroon silang kani-kaniyang priority sa buhay, kaya raw naputol ang kanilang relasyon.

Tinanong ngayon ng PEP si Maja kung, bukod duon, ano pa ang naging dahilan ng breakup nila ni Matteo.

“Ewan ko, siguro siya tanungin niyo,” sagot ni Maja.

Ilang linggo matapos lumabas ang balita, kumusta naman sila ngayon?

“Actually, okay naman. Okay naman talaga. Okay naman kami,” wika ni Maja na tila naghahanap ng tamang sagot.

Ngunit nang tanungin kung nanliligaw ba sa kanya si Matteo ngayon, mabilis itong sumagot, “No. Wala, wala ng effort."

Dagdag niya, na nagpapahiwatig na ni hindi na sila nakakapag-usap nang madalas, “Pag nag-text siya, minsan, nagrereply ako. Minsan, yung hindi mo lang na-check yung phone mo...”

Bago ng breakup, magkasama pa sina Maja at Matteo sa June 28 victory party ni Maja para sa kanyang pagkakapanalo bilang Best Actress sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, para sa indie film na Thelma.

“Actually, kakaayos lang ulit nun. ‘Cause yung relationship nga, kaya nagdecide na kami…” ngunit bago pa ituloy ay pinigilan ni Maja ang sarili.

“Ayoko na magsalita, okay na yun, tama na yung statement. Baka mapagalitan ako ni Tita Mariole, salita ako nang salita. Ayun. Basta time lang,” wika pa niya.

Ang Tita Mariole na tinutukoy ni Maja ay si Mariole Alberto, head ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na nangangalaga sa kanyang career.

“Oras lang talaga. No big issues,” dagdag pa ni Maja sa naging problema nila ni Matteo, na kasamahan din niya sa Star Magic.

BIRTHDAY WISH. Dalawang buwan na lamang ay magdiriwang na si Maja ng kanyang 24th birthday.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

24 Comments

  • 24  iamnofool

    08/31/2012 | 03:36 PM
    Hindi pa napa flag down yung commercial niya na nag e encourage na uminom sa mga kabataan..Drinking buddy commercial ng isang alak..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 23  pinoycali_ako

    08/24/2012 | 02:12 PM
    Notice ko lang itong si Maja feeling Diva na kaagad simula nun naging friend ni Kim chiu. Nag-iisa si Kim kaya kaya hwag feeling dyan Maja!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 22  lukaret1

    08/24/2012 | 10:46 AM
    Good puwede na sila ngayon na mag love team ni Coco Martin. Masyadong under rated itong si Maja. Magaling na napaka ganda pa. I think siya ang may pinaka magandanag mukha sa lahat ng babaing artista ngayon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  Maeve32

    08/24/2012 | 07:37 AM
    sa twitter lang marami followers pagdating sa movie at teleserye flop..nauunahan na sa mga baguhan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  lanalang08

    08/24/2012 | 01:59 AM
    pag break kasi break na. kaya ano pa ang use na ipursue ka pa kung di na kayo in love sa isat isa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  Angel_Wings

    08/24/2012 | 12:11 AM
    super like this girl. para sa aking isa sya sa pinaka-magandang artista na nakita ko in person. love love her with coco in minsan lang kitang iibigin! okay lang kung break na kayo ni matteo, dami naman dyan sa tabi tabi. hehehe.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  opinion_ko_to

    08/23/2012 | 11:37 PM
    kulit ng pic..ano yan endorsement ng tablet?i think ipad ata hawak nya not sure lang di ko kita yung home button eh.hehe
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    dyzzzz
    08/24/2012 | 12:08 AM
    not ipad ibang brand
    mrsenchong
    08/28/2012 | 08:50 AM
    coby daw
  • 17  dyzzzz

    08/23/2012 | 04:49 PM
    Paano naman ieffort ang tao kung blocked na niya kahit sa twitter sus paawa gimik ang girl na eto na walang x factor for stardom kahit pa magaling umarte Si Matteo lang ang in love sa kanya Maja loves herself more kita naman she is not into Matteo napilitan lang aminin nang nagkasuntukan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  gorgeous_aleck

    08/23/2012 | 01:55 PM
    baka nahuli ni matteo. di ba may bf siya nun na businessman bago c matteo. tapos pinagsabay niya. mahuli lang nung coco-matteo bakabakan kaya iniwan ni businessman. no choice kundi aminin si matteo. tapos yung businessman lumipat sa kaibigan niyang nene pa.
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    marilousyj
    08/23/2012 | 03:41 PM
    Ganun ba? Mayroon na before Mateo? Ginamit pang pampaselos si Coco. Kung kay Maja lang, si Erich na lang si Coco. Papansin itong girl na ito pero kulang sa appeal.
    kapamilyang_puso
    08/23/2012 | 04:43 PM
    dikit agad agad kay Sam kahit kakabreak lang nila ni matteo as if seryosohin siya ni Sam hindi ba't fling na din sila dati nahuli na siya ng reporters dati galing siya sa haus ni Sam
    dyzzzz
    08/23/2012 | 04:53 PM
    Dami na ring natikman at 23 year old palang nahuli din siya with Rodjun sa kotse dati
    opinion_ko_to
    08/23/2012 | 11:36 PM
    mga tsismosa! chos!hahahaha
    Maeve32
    08/24/2012 | 07:47 AM
    iilan lang babae sa showbiz ang matino at hindi papalit palit ng bf
  • 15  hello2happy

    08/23/2012 | 01:28 PM
    magaling nga.. i have nothing against her kaya lang sa tagal nya parang wala syang X-factor.. hindi pa sya sumisikat ng todo.. dinaig pa sya ni erich and devon.. nakakalungkot din for somebody na mabait naman..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  gee_girl

    08/23/2012 | 12:04 PM
    khit anong sabihin nio,acting wise magaling cia...d kailangan mkapgtapos para my breeding.minsan mas my breeding pa ang walang pinag aralan kesa well educated.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    msn9
    08/23/2012 | 12:33 PM
    I agree
    pretty
    08/23/2012 | 01:13 PM
    Magaling naman si Maja pero mas bagay sa kanya ang supporting roles. Pwedi pa naman siyang mag-aral kung gusto niya.
    Maeve32
    08/24/2012 | 07:44 AM
    Tingnan mo ngayon teleserye niya upcoming supporting nalang siya ni Kim..
  • 13  pretty

    08/23/2012 | 11:21 AM
    Gimik
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  labadista

    08/23/2012 | 11:00 AM
    ano na naman kaya yang pasecret secret echus na yan. pero in fairness, magaling itong si aleng maja.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  SpaghettiBolagnese88

    08/23/2012 | 10:43 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  BrunoEsmeralda

    08/23/2012 | 10:39 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pretty

    08/23/2012 | 10:12 AM
    Nagpapapansin! I tried to read the article pero boring talaga, hindi ko na tinapos. Sarap matulog.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Stantiel
    08/23/2012 | 06:10 PM
    Same here. Boring article.Here in PEP, comments are most of the time, much more interesting to read than the articles themselves.
  • yukie85

    08/23/2012 | 10:00 AM
    Exchange gift partner pala..ganyan naman mga artista nagpaparamihan parang collection lang
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kapamilyang_puso

    08/23/2012 | 10:00 AM
    Matteo deserves a better girl yung may breeding
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    StocksAndBonds
    08/23/2012 | 11:27 AM
    Tama!
    lanalang08
    08/23/2012 | 01:33 PM
    wala naman issue ang breeding sa relasyon kung nagkakagustuhan. baket ano bang klaseng tao si matteo at di niya deserving si maja. dahil may kaya sa buhay. at si maja ay anak lang sa labas. we are living in a 21st century at hindi na kailangan pa na may breeding ang isang lalake or babae para magkaroon nang relasyon. pa breeding breeding ka pa. at pa elite elite pa. lol.
    kapamilyang_puso
    08/23/2012 | 04:28 PM
    by breeding ibig kong sabihin ay CLASSY at hindi asal kanto at nagger
  • sexydulce

    08/23/2012 | 09:59 AM
    nakaka-bore naman itong article na ito. Hnd ko na tinapos basahin
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    yukie85
    08/23/2012 | 10:05 AM
    Nagbasa ka pa ati.
  • marilousyj

    08/23/2012 | 09:47 AM
    Huwag sanang ilapit na naman ito kay Coco ha? Kaya na ni Coco ang walang kaloveteam.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    lanalang08
    08/23/2012 | 01:34 PM
    on second thought mas bagay sila ni coco kaysa kay matteo.
    dyzzzz
    08/23/2012 | 04:55 PM
    gagamitin lang niya si Coco para sisikat
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About