Gustong linawin ni Derrick Monasterio na hindi pa naman mauuwi sa ligawan ang loveteam nila ng Luna Blanca co-star niyang Barbie Forteza.
Bukod daw kasi sa batang-bata pa ang tween actress sa edad nitong 15 ay mabuting magkaibigan lang daw sila ngayon.
Kaya hindi raw ibig sabihin na porke’t binigyan niya ng bulaklak si Barbie noong birthday nito last July 31 ay nililigawan na niya ang ka-loveteam.
Lalo pa nga’t inamin ni Barbie na iyon ang kauna-unahang bulaklak na nakuha niya mula sa isang lalaki.
Paliwanag ni Derrick, “Kasi birthday naman ni Barbie noon, so parang birthday gift lang.
“Wala namang malisya yun. Hindi naman ibig sabihin na nanliligaw na ako sa kanya.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa joint birthday party at outreach program nila nina Barbie at Kim Komatsu, na inorganisa ng GMA Artist Center sa Manila Boys Town Complex sa Parang, Marikina, noong Agosto 21.
Kung si Barbie ay niregaluhan ni Derrick ng bulaklak at jacket, isang wristwatch naman daw ang ibinigay ng teen actress kay Derrick para sa kaarawan nito noong Agosto 1.
Suot pa nga ni Derrick ang naturang relo sa event nila.
Sabi niya, “Pag suot ko po ito, hindi po ako nale-late. Kaya kita niyo, ako ang pinakauna ditong dumating kanina.”
Ikinatuwa ni Derrick na nakasama niya si Barbie sa naturang event, pati na rin si Kim na dating ka-loveteam niya sa GMA-7 afternoon teleserye na Sinner or Saint.
“Siyempre, hindi po makukumpleto ang birthday party ko kung wala si Barbie at si Kim. Kaya parang I’m just one-third of this [event].”
LUNA BLANCA BOOK 2 EXTENDED. Masayang-masaya naman sina Derrick at Barbie na na-extend ang Book 2 ng Luna Blanca.
Kasama nila rito sina Bea Binene at Kristoffer Martin.
Sabi ni Barbie, “Masaya. Noong una nagulat ako kasi nag-announce na sila na 'Last taping na natin next week, ganyan-ganyan.'




CALLED OUT
ALL COMMENTS
8 effyou
7 effyou
6 effyou
5 alexangel
4 lanalang08
3 merlion_25
2 jagjof
1 lovelike