Ipinagkikibit-balikat lamang ni Rita Avila ang isyung nagkukuwestiyon sa pagkalalaki ng kanyang mister na si direktor Erick Reyes. Sabi ng aktres: "Matagal na kaming happily married ng asawa ko. I know him so well, so ano… non-issue po! He’s not... and I think I will not marry naman a gay.”

Photo: File

Hindi nagagalit o nasasaktan si Rita Avila kapag may mga nanlalait sa kanya dahil sa sobrang pagkahilig niya sa mga manika.

Naging isyu kasi ito noon dahil dito raw ibinaling ng aktres ang kanyang atensiyon dahil sa hindi nito pagkakaroon ng anak.

Sabi ni Rita, “No more. Kasi ano, e… yung ang mga hindi lang po magsasabi ng maganda sa ganyan ay yung mga hindi nakakaintindi.

“The dolls are sort of a therapy din sa akin tsaka laruan namin ni Erick yun, kaming mag-asawa."

Ang asawa ni Rita ay ang direktor na si Erick Reyes.

Patuloy ng aktres, “So, parang bilang direktor at artista, imaginative kami, e.

“E, wala naman kaming anak, di ba? 

“And I meet a lot of people who have dolls na ganun din—they talk to their dolls. Kasi it helps, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rita sa presscon ng GMA-7 soap opera na Sana Ay Ikaw Na Nga noong Huwebes ng gabi, August 24.

Ini-imagine ba niya na anak niya ang mga manika niya?

“Laruan namin sila,” sagot ni Rita.

Hindi na siya affected kapag may mga hindi nakakaunawa sa pagmamahal niya sa kanyang mga manika?

“Hindi na, kasi wala naman akong ginagawang masama, e.

“Tsaka iyon nga, e, parang dahil nalaman din nung iba that I have dolls, so sila din nagsasabi sa akin, nagkukuwento, ‘Ay kami din po, we have dolls. Itong doll ko matagal na sa akin.’

“So, parang it happens to other people.”