news

John Prats happy being friends now with ex-girlfriends; hopes to be friends too with recent ex Bianca Manalo

by Melba Llanera posted on August 26, 2012  STATS: 33481 Views | 5 Comments

John Prats says he recently became friends again with ex-flames Heart Evangelista and Shaina Magdayao. He wishes to do the same with recent ex-girlfriend Bianca Manalo. “Siyempre naman gusto kong maging magkaibigan kami," John says about Bianca.

Photo By: Noel B. Orsal

Matapos ng breakup nila ni Bianca Manalo, kapansin-pansin ang sunud-sunod na mga proyektong pinagkakaabalahan ngayon ni John Prats.

Regular siyang napapanood sa Sunday noontime show na ASAP 2012, sa weekly gag show na Banana Split, at parte rin ng daytime soap na Angelito: Bagong Yugto, kung saan kapareha niya si Kaye Abad.

Bukod sa magandang itinatakbo ng kanyang showbiz career, kapansin-pansin din daw na mukhang naka-move on na ang aktor sa paghihiwalay nila ni Bianca. 

Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na nitong mga nakaraang araw pa lang nakaka-move on ang former beauty queen na ex-girlfriend ni John.

Kapapagupit lang daw kasi ni Bianca. Palatandaan umano na handa nang kalimutan ni Bianca ang nakaraang pag-ibig at magsimula ng panibagong chapter ng kanyang buhay.  

Hiningan tuloy ng PEP.ph (Philippine Entertainmenty Portal) ng reaksyon si John tungkol dito.

“The last time na alam ko, nung kami pa ni Biancs, plano niya talagang magpaiksi because of a hair endorsement, na kailangang mahaba ang hair niya, ‘tapos after a few months iiklian talaga. 

“Yun ang alam ko. Di ko naman inisip na ganun,” sabi ni John nang makausap ng PEP sa backstage ng ASAP 2012 nung nakaraang Linggo, August 19.

“Basta ako, wini-wish ko sa kanya is happiness. Ang gusto ko lang ay maging masaya siya,” dagdag pa ng 28-year-old na aktor.


HAPPY SINGLE JOHN. Obserbasyon pa ng marami, sa kanilang dalawa ni Bianca ay mas mukhang naka-move on na agad sa breakup si John. Mas masaya raw kasi ito, kaysa kay Bianca.

“Hindi naman sa ganun,” pakli ni John.

“Marami nga ang nagsasabi sa akin na sa Banana Split sobrang saya ko raw. 

“Sabi ko nga, ‘Ano, sa Banana Split, iiyak ako?’ Hindi naman yun puwede dahil comedy ang ginagawa ko. 

“Siguro ganun lang ako mag-handle ng problema. Lahat ng problema in a positive note, na ok lang ‘yan, ganyan talaga ang buhay. 

“Sometimes, you just have to accept, kaysa ma-stuck ka sa regrets mo. Walang mangyayari sa iyo.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

5 Comments

  • ako_kenkoy

    08/26/2012 | 06:15 PM
    Idol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tvsurfer

    08/26/2012 | 04:52 PM
    God bless you, John. May you find real happiness soon. I love your character in Angelito. Sana tuluy-tuloy pa ang mga projects pagdating sa drama. Magaling ka naman talaga, eh. Kelangan lang may venue to showcase your acting. Havey ang love team niyo ni Kaye Abad. Nakakatuwa. Congrats!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • venz2177

    08/26/2012 | 03:17 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kunsabagay

    08/26/2012 | 02:29 PM
    sayang ang sarap ni Bianca pinakawalan mo. akin na lang sya hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wagsanabiasedangpep

    08/26/2012 | 11:54 AM
    God bless you John Prats!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About