“It only confirms that we were right all along to have done OPM. It’s a career decision na tama—Go OPM! Go original! Write your music like you didn’t care. Huwag titingin ng sales report. Ganoon kami, e, kaya medyo reckless,” says Jim Paredes about his now-retired group APO making the fateful decision to do OPM or Original Pilipino Music. APO's songs are featured in the musical-comedy film I Do Bidoo Bidoo.

Photo: Noel B. Orsal

Sa mga miyembro ng APO Hiking Society, Si Jim Paredes lang ang nakadalo sa ginanap na grand press conference ng musical-comedy film na I Do Bidoo Bidoo, sa Max’s Restaurant, noong Huwebes ng tanghali, August 23.

Sina Danny Javier at Buboy Garovillo ang dalawa pang miyembro ng APO. Ang mga awitin ng grupo ang ginamit sa musical-comedy movie na pinangungunahan nina Eugene Domingo, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Gary Valenciano.

Bakas sa mukha ni Jim ang kasiyahan, base sa mga feedback ng mga nakapanood na ng ilang advanced screenings ng pelikula at ilang reviews ng entertainment press.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksyon ni Jim sa pagkakagamit ng pelikula sa kanilang mga awitin.

“It’s really amazing,” simula ng 60-year-old singer-composer.

“Kasi yung APO had a run for forty-one years. Saka it’s a great experience for us.

“Then, noong ma-meet ko si Chris Martinez at Tony Gloria, they understood what music is all about,” banggit pa ni Jim kay Direk Chris at sa may-ari ng Unitel Productions na siyang nag-produce ng I Do Bidoo Bidoo.

“Naiintindihan nila ang integration ng music namin sa contemporary life, naging soundtrack talaga. 

“So, parang when they asked us to do the project, I said, ‘Sure.’ Sabi ko, ‘That’s really great.’”

Kahit daw sina Danny at Buboy ay natuwa sa paggamit ng pelikula sa mga awitin ng APO.

“We all feel the same way. Yung una, ang worry lang namin, may integrity ba ang production?

"Although, Tony Gloria, he made Crying Ladies. Then, Tony said pa, ‘Hindi ako gagawa ng pelikulang hindi ko gusto.’

“So, what can go wrong?”

Crying Ladies ang 2003 Mark Meily movie na pinagbidahan nina Sharon Cuneta, Hilda Koronel, at Angel Aquino. Ang critically acclaimed film, na naging patok din sa publiko, ay prinodyus ng Unitel.