Nagmistulang stand-up comedy show ang interview ng press kay Vice Ganda kahapon, August 27, sa Studio 8 ng ABS-CBN, kung saan nagkaroon siya ng pictorial.
Para ito sa upcoming film niyang This Guy’s In Love With You, Pare, na hindi pa raw siya sigurado kung kelan ipapalabas.
“October, wala pang date,” ang bungad ng host-comedian.
Dugtong pa niya, “Wala ring year… basta month lang tina-target namin,” na umani ng tawanan mula sa mga reporters.
Interestingly, October din ipinalabas sa sinehan ang mga naunang blockbuster films ni Vice.
Aniya, “Nagtaka nga ako sa kanila. Ba't nila ako binigyan ng pelikula?
“Ahm, isang taon din kasi…October din, e. Yung Petra [Petrang Kabayo], yung Praybeyt Benjamin, puro October.”
Kaya naman, sinabihan daw siya ni Wenn Deramas, ang director ng upcoming Star Cinema movie niya, na gawin na lang daw itong tradisyon.
Pahayag ng Showtime star, “Kailangan pag October, may Vice Ganda- Wenn Deramas movie.”
Biglang singit na tanong ng reporter na si MJ Felipe, “Can we label it that October is a Vice Ganda month?”
Ang punchline ng komedyante, “Of course you can, why can't you?”
MOVIE CO-STARS. October 12 ang tentative playdate ng This Guy’s In Love With You, Pare, na pagbibidahan din nina Luis Manzano at Toni Gonzaga.
Nang tanungin si Vice sa rason ng pagtanggap niya sa project, nagbiro ulit ito ng, “Actually, hindi pa talaga ako umu-oo kaya hindi pa namin alam kung i-e-air 'to. Charot!”
In a more serious tone, pahayag niya, “Hihindi ka ba kung Luis-Toni ang kasama mo?
“At saka nung nag-meeting nga kami nun sa Star [Cinema] kung sino'ng gusto kong makasama, si Toni ang una kong sinabi talaga.”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
15 skittlesrainbow
14 rockabye
13 ashliey
12 alime
11 dashboard
10 pretty
9 starkings
8 boy_dapa_75
7 pretty
6 pretty
5 nothing_personal
4 PADUNGOL1
3 PADUNGOL1
2 pretty
1 mccec65