Nag-tweet ang anak ni Zsa Zsa Padilla na si Zia Quizon na matagumpay na naalis ang tumor sa kidney ng kanyang ina sa operasyong ginawa rito sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California, ngayong araw. Sa isang interview naman kahapon sa kaibigan ni Zsa Zsa na si Kris Aquino, ipinagdarasal daw nito ang mabilis na paggaling at pagbabalik sa trabaho ng Divine Diva.

Photo: Noel B. Orsal

Dalawang oras na ang nakararaan, nag-tweet sa kanyang Twitter account ang anak ni Zsa Zsa Padilla na si Zia Quizon na successful ang operasyon ng kanyang ina sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California.

Naalis na ang mala-golf ball sa laking tumor na namuo sa loob ng kidney ni Zsa Zsa, sanhi ng pagkakaroon niya ng Stage 1 kidney cancer.

Tweet pa ni Zia, "As far as the doctors could tell, it has not spread anywhere else. Thank you everyone for your prayers and your support."

Kahapon, August 26, na-interview sa Cinema News One sina Eric Quizon at Kris Aquino.

Si Eric ay anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy, na naging partner ni Zsa Zsa sa loob ng 23 taon, habang si Kris naman ay malapit na kaibigan ng singer-actress.

Hopeful ang dalawa na malalagpasan ni Zsa Zsa ang matinding pagsubok na ito sa kanyang buhay.

Kuwento ni Eric, noong April pa ng taong ito niya nalaman ang maselang kalagayan ni Zsa Zsa.

“Ayaw niyang ipagsabi ang sakit niya because ayaw niyang mag-worry ang dad namin," salaysay ni Eric.

    

“So, tinago talaga ni Zsa Zsa sa lahat…until nga after my dad’s death."

Matatandaang nagpahiwatig si Zsa Zsa sa PEP noong August 4, 2012, tungkol sa kanyang dinaramdam pero hindi na siya nagbigay ng detalye. (CLICK HERE to read related story.)

Pagkuwento pa ni Eric, “Nagpa-check up ulit siya at sinabi nga niya na lumaki na raw yung bukol sa kidney niya.”

    


EVERYBODY’S CONCERNED. Natural lang daw na maging concerned si Eric, pati na ang ibang mga kapatid niya, dahil parte na ng Quizon family si Zsa Zsa.

“Zsa Zsa is somebody we need to be all concerned about.

“She’s part of our family and we will do everything para masiguro namin that she will be taken care of.

“Yung ibang mga kapatid ko nga, na nasa Amerika, they will drop by sa Los Angeles para bisitahin si Zsa Zsa.

“Ganyan kaming lahat na nagpapakita ng concern sa kanya,” diin ni Eric.

Bilib si Eric sa will power ni Zsa Zsa, at alam nilang lahat na hindi pa nakaka-recover ito emotionally sa pagkawala ni Dolphy.