news

PART 2: Lorna Tolentino says son Ralph is busy transferring her late husband Rudy Fernandez’s film prints into HD

by William Reyes posted on August 28, 2012  STATS: 8791 Views | 4 Comments

Sabi ni Lorna Tolentino, maililigtas na ang mga pelikula ng asawang si Rudy Fernandez mula sa pagkasira dahil sa alikabok, amag, at pagkupas. Ngayon daw kasi ay inililipat na ng anak niyang si Ralph ang mga lumang pelikula ni Rudy mula film prints papunta sa HD o High Definition video format.

Photo By: Noel B. Orsal

Masaya at proud na proud si Lorna Tolentino sa nangyayari ngayon sa career ng mga anak niyang sina Ralph at Renz.

"Si Renz, nasa 2. Yung Little Champ,” may pagmamalaking sabi ni LT nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Third Eye nung Huwebes, August 23.

Ito ang unang teleserye ng bunso niya sa Channel 2.

“Kasama niya si Senator Lito Lapid," masayang banggit pa ni Lorna.

"Si Ralph naman, lagi siyang nasa ABS-CBN. More of a director ang gusto niya.

"Nag-train siya under Johnny Manahan.

"Gusto rin naman niya yung acting. Showbiz na talaga,” patuloy pa niya tungkol naman sa panganay na anak.



SAVING RUDY’S FILMS. Bukod sa pag-aaral ng pagdidirek ay abala rin si Ralph sa pag-retrieve at pag-save ng mga lumang pelikula ni Rudy.

"Busy siya sa pag-aasikaso...

“Hinahanap niya yung mga prints ng pelikula ni Rudy, tapos tina-transfer niya into HD para hindi na mamrublema, if ever, kung may mangyari.”

Sa pagta-transfer ng film prints o reel into HD or High Definition video, magiging digital ang pelikula at maise-save ito nang maayos.

Malalayo ang reel sa alikabok, amag, pagkaluma, o deoxidization.

Pero hindi raw madali kay Ralph ang ginagawang pagse-save ng mga pelikula ng nasirang ama.   

"Ang hirap maghanap ng prints, e,” ani Lorna.

“’Pag nasa DVD lang o Betacam, or mga U-matic tapes, hindi nila talaga nata-transfer sa HD.

“Nililinis lang nila. Cure lang nang konti.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • gayhazel

    08/29/2012 | 01:02 AM
    i love Ms. LT
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jemorz

    08/28/2012 | 08:46 PM
    isa c lorna s pnakamtagal, pnkamatibay, at pnakamultiawarded actress, vilma -50yrs, nora -45yrs, lorna -42yrs in showbiz. bongga! cno2 kya sa mga youngstars ngyn ang mnnnatiling bigstars hanggang 2030? anne curtis? bea alonzo?, angellocsin, lovi poe, marian rvera, angelica p.,maja, toni g.,nadine, jen, maxene? who else? kelangan beautiful, professional, and talented, nanonominate, may award na, o promising actress..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jemorz

    08/28/2012 | 08:38 PM
    kung 1970 xa ngstart 1971 best child actress na xa at last time na nagwagi xa ng best actress ay 2011 sa FAP at Pasado awards sa Sayo lamang, at sa tlserye Minsan lng kita iibgin best actress 4 tv nmn sa KBP at Enpress awards.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jemorz

    08/28/2012 | 08:31 PM
    ano kya isng movie mgkksama cna lorna, nora aunor, eugene d., rufa mae, at isng youngstar. un tipong First wives club, pnalabas dati sa abc5, ngyn pwdeng iproduce ng tv5 films and regal films
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About