Bagamat matagal naging abala si Bea Alonzo sa pelikula nila ni John Lloyd Cruz, wala naman daw sila naging problema ng  kasintahang si Zanjoe Marudo. Sabi ni Bea, malaking bagay na pareho silang nasa showbiz at bukas sa publiko ang kanilang relasyon.

Photo: Nimfa Chua

Aminado si Bea Alonzo na hindi siya kumpiyansa sa kanyang sarili noon, lalo na pagdating sa kanyang pigura.

May katabaan kasi siyang tingnan sa camera noon, na madalas namang napupuna sa kanya.

Ibinahagi ni Bea ang pangyayaring ito sa kanyang buhay, kanina, Agosto 29, sa I Am Confidence event ng Tupperware, sa F1 Hotel, The Fort, Taguig City.

“Dati, medyo may issues ako sa confidence,” pag-amin ng The Mistress lead actress.

“Before kasi, marami ang nagki-criticize sa akin about my weight. Kasi they always say that I’m fat, I’m overweight.

“So siyempre, I have to go through crash diet, diet pills, and everything that I really regret.

“I was asking myself, ‘Why am I doing this?’ Sabi ko, ‘I’m doing this for other people.’

“Kahit fit and healthy nga, siyempre, I’m proud na somehow naiba na ‘yon, now healthy na.

"Na-realize ko na you don’t have to be fit to look good kasi.

“As long as you feel good of who you are, eat healthy, that’s so important.

"And of course, make-up helps, di ba?”

Pero hindi lamang daw nanggagaling ang confidence sa panlabas na anyo, kundi sa ugali o personalidad din ng isang tao.

Ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at nobyong si Zanjoe Marudo daw ang mga taong pinaghuhugutan ng confidence ni Bea.

Sabi pa ni Bea tungkol sa kanyang kasintahan, “He’s making me feel beautiful every day. By making me feel na ako lang, enough na.”



MISSING ZANJOE. Samantala, naging abala sa loob ng maraming buwan si Bea dahil sa dalawang proyekto nila ng ka-loveteam na si John Lloyd Cruz.

Una na rito ang reunion movie nila sa Star Cinema, ang The Mistress.