Sa isyung binabawalan siya ng kanyang boyfriend na magpaseksi, ito ang sagot ni Ryza Cenon: “Ay hindi, wala, wala talaga. Walang question sa kanya. Sa akin lang talaga. Siguro, bilang lumaki rin ako sa lola ko, nandoon din po yung conservative side.”

Photo: File

Ang karakter ni Ryza Cenon sa Book 2 ng Luna Blanca ay isa sa mga bagong tauhan na naidagdag sa primetime series ng GMA-7.

Gumaganap siya rito bilang Ashley, ang kapatid ng karakter naman ni Chynna Ortaleza.

Parehong kontrabida ang roles nina Ryza at Chynna, pero sa kuwento ay may isyu rin sa isa’t isa.

Masaya raw si Ryza sa resulta ng kanyang trabaho sa Luna Blanca

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Masaya, kasi galit sila [viewers] lahat sa akin. 

"Yun ang tinu-tweet nila sa Twitter. Kasi, nakakainis daw. Epal daw ako, inggitera raw po ako.

“Actually, yung Ashley, mas marami ang nagre-react kapag kontrabida ako.

“Siguro iba talaga ang dating kapag kontrabida, mas maraming nagre-react. Kaya masaya naman po. 

“Kami naman po ni Chynna, magkapatid kami, pero magkaiba ang kaaway namin.

"Siya, si Blanca [Barbie Forteza]; ako naman, si Luna [Bea Binene].”

Nag-e-enjoy rin daw si Ryza sa taping niya sa kanilang fantaserye.

Kuwento niya, “Actually, ang madalas na nakakausap ko, sila Direk Gina Alajar. Nakatrabaho ko na rin kasi noon sila Direk Gina, si Karen delos Reyes.

“Yung mga tweens naman po, ngayon ko pa lang din kasi sila nakatrabaho.”



PROJECT WITH BONG REVILLA. Pagkatapos ng Luna Blanca, makakasama naman si Ryza sa Indio, ang telemovie na pagbibidahan ni Senador Bong Revilla.

Kuwento ng young actress tungkol sa kanyang role dito, “Kapatid po ako dito ni Jennylyn Mercado. Nandoon po kami sa part ng mga Kastila.  

“Ang makaka-loveteam ko po, para sa story po, si Rocco Nacino.