news

Ryza Cenon on waiting for her big break in GMA-7: "Kung ano lang ang ihain sa akin, yun lang ang kakainin ko."

by Rose Garcia posted on August 30, 2012  STATS: 17597 Views | 12 Comments

Sa isyung binabawalan siya ng kanyang boyfriend na magpaseksi, ito ang sagot ni Ryza Cenon: “Ay hindi, wala, wala talaga. Walang question sa kanya. Sa akin lang talaga. Siguro, bilang lumaki rin ako sa lola ko, nandoon din po yung conservative side.”

Photo By: File

Ang karakter ni Ryza Cenon sa Book 2 ng Luna Blanca ay isa sa mga bagong tauhan na naidagdag sa primetime series ng GMA-7.

Gumaganap siya rito bilang Ashley, ang kapatid ng karakter naman ni Chynna Ortaleza.

Parehong kontrabida ang roles nina Ryza at Chynna, pero sa kuwento ay may isyu rin sa isa’t isa.

Masaya raw si Ryza sa resulta ng kanyang trabaho sa Luna Blanca

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Masaya, kasi galit sila [viewers] lahat sa akin. 

"Yun ang tinu-tweet nila sa Twitter. Kasi, nakakainis daw. Epal daw ako, inggitera raw po ako.

“Actually, yung Ashley, mas marami ang nagre-react kapag kontrabida ako.

“Siguro iba talaga ang dating kapag kontrabida, mas maraming nagre-react. Kaya masaya naman po. 

“Kami naman po ni Chynna, magkapatid kami, pero magkaiba ang kaaway namin.

"Siya, si Blanca [Barbie Forteza]; ako naman, si Luna [Bea Binene].”

Nag-e-enjoy rin daw si Ryza sa taping niya sa kanilang fantaserye.

Kuwento niya, “Actually, ang madalas na nakakausap ko, sila Direk Gina Alajar. Nakatrabaho ko na rin kasi noon sila Direk Gina, si Karen delos Reyes.

“Yung mga tweens naman po, ngayon ko pa lang din kasi sila nakatrabaho.”



PROJECT WITH BONG REVILLA. Pagkatapos ng Luna Blanca, makakasama naman si Ryza sa Indio, ang telemovie na pagbibidahan ni Senador Bong Revilla.

Kuwento ng young actress tungkol sa kanyang role dito, “Kapatid po ako dito ni Jennylyn Mercado. Nandoon po kami sa part ng mga Kastila.  

“Ang makaka-loveteam ko po, para sa story po, si Rocco Nacino.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

12 Comments

  • 12  MaryaLaDelBario

    09/01/2012 | 09:03 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  callmekeylee

    08/30/2012 | 08:27 PM
    Improve you're acting skills, then try to snag a role in independent films. Pag independent films kase lalo kang na momold as an artist. Just take a look at Paolo Avelino and Martin Escuedero, both were much recognized because of the indie films that they starred at. Good luck!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  ambishosa

    08/30/2012 | 08:03 PM
    i think kaya di pa sya nabbigyan ng chance parang bata pa rin kasi sya magisip tsaka prang walang bagay na mature role for her. parang bagay sya sa mga teenybopper hindi mga pang telenovela
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    ambishosa
    08/30/2012 | 08:03 PM
    rather magsalita hindi magisip hehehe
    lulu_kapuso
    08/31/2012 | 09:20 AM
    Nasundan ko si Ryza pag start pa lang niya. And yes, prblema lang talaga sa pagsasalita niya.
  • onedirection

    08/30/2012 | 06:46 PM
    you just need to be more patient ryza and focus more on improving your acting skills...make Jodi as a good example...mailap din sya sa lead role but that didnt stop her to be more good at acting..in fact she was really applauded for her skills lalo na sa drama...lutang na lutang sya.....sabi nga nya, darating din sya sa ganun one day! tingnan mo nmn ngayon...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Box_Office

    08/30/2012 | 06:33 PM
    kahit ano ihain sa kanya yun kakainin nya... grabeh namn .. paano kung ipakain sa kanya BOCHA ? KALOWKA!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    YanLai
    08/30/2012 | 08:06 PM
    hahaha ikaw ang KALOWKA...di marunong umintindi meaning ng statement!
  • violet_blooms06

    08/30/2012 | 05:53 PM
    "Patience is not the ability to wait but on how u act while waiting."Basta continue improving ur craft. Stay humble. May inilalaang magandang project sau ang home network mo basta pag igihan mo lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    08/30/2012 | 05:42 PM
    Wow ano daw?? Sabi niya i quote her... MASAYA naman po ako, LALO NA kapag nakikita ko nga po ang ibang artista, WALANG trabaho. ... Omigosh Are the kapuso really like this? Kaya pala minamalas kase kaseng ugali ni MR. .God.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    onedirection
    08/30/2012 | 06:39 PM
    nabasa ko rin ito pero i think iba lang ang pagkakasabi nya...she meant siguro na she is still happy kasi may trabaho sya, ung iba nga wala so bat pa sya magrereklamo?
    ambishosa
    08/30/2012 | 08:04 PM
    nega ka na naman brainless. damay mo na naman si marian :p
  • BERNARD2010

    08/30/2012 | 04:47 PM
    Ang ganda ng role nya sa MACHETE pero nabalewala lang.Yun na sana ang start na magbibida sya pero kulang sya sa acting kaya ayun balik sa support na lang.Ang ganda ganda pa naman nya.Galingan mo kase or mag INDIE ka kaya??
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Chris_25
    08/30/2012 | 05:14 PM
    tama ka bernard magaling naman siya pero kulang pa talaga marami na rin siyang indie film na ginawa yung latest july ata nag showing yung kay jodie sta. maria, mag tyaga ka lang ryza tska more acting workshop.. good luck sa career.
  • gobernadora

    08/30/2012 | 03:56 PM
    tama... parang chynna ortaleza lang sya. tiagahan lang yan malay mo, mag iba ang kapalaran mo at gawin kang bida sa isang afternoon soap.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ugok88

    08/30/2012 | 03:37 PM
    Ito ang mahirap sa Gma maliliit lang ang sahud ng medyo d gaanung kasikatan,unlike sa abs na medyo pantay pantay or magkalapit lapit lang ang talent fee ng mga super sikat,sikat at mga so so na artista,like hagdan hagdan sila,sana ganito rin sa Gma para hindi si Marian,Heart,Lovi at Carla lang ata ang malalaki ang TF
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    GMA7akoFOREVER
    08/30/2012 | 03:53 PM
    korek sa abs lahat pantay pantay lang,lahat sila maliliit ang sweldo kasi CANT afford sila magbayad ng malaki.
    sk8r_boi
    08/30/2012 | 04:13 PM
    pantay pantay silang mga starlet sa doslaos. bring ur own baon pa. LOL!!!
    harmonizer
    08/30/2012 | 04:13 PM
    Sino ba ang nagbibbigay ng mas malaking TF?
    rockabye
    08/31/2012 | 11:18 AM
    sk8r-boi, ur such a lou-sy liahr....
    gma_pinay
    08/31/2012 | 01:58 PM
    Maliit ba kamo? Eh sabi nya nakapagpundar na sya ng bahay at lupa pati sasakyan. Yan ba ang maliit ang TF?
  • TheGMA07

    08/30/2012 | 03:33 PM
    Patience is a virtue Ryza. at dahil sa pagtitiis mo syempre mapapansin at mapapansin ka parin ng GMA7 para sa BIG BREAK na hinihintay mo..ang mahalaga hindi ka mawawalan ng trabaho, yung iba nga ONE TIME BIGTIME nga daw, pero at the end of the day sila pa yung naghihikahos. basta lahat ng kinikita mo iinvest at pag-ipunan mo maige nang sa gayon mas mapagmalaki mo sa sarili mo na nakapagipon ka kahit pasimpleng trabaho lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Adikreader

    08/30/2012 | 03:19 PM
    maganda ka Raiza kaya lang mukhang hindi ka talaga pang masa. sa tingin ko pang leading lady's best friend lang ang role na bagay sayo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jella89
    08/30/2012 | 03:27 PM
    Mahina dating sa masa walang hatak yun lang yun nabigyan ka naman ng chance kaya lang hindi mo napatunayang kaya mo hindi nagrate ang show. Negosyo yan hindi porke winner ka pambida ka na kailangan may suporta ng mga tao ang ginagawa mo dahil may puhunan yan. Naintindihan mo na kung bakit

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About