news

JM de Guzman on Jessy Mendiola: "Bata pa naman kami. Hindi pa dapat ang sobrang seryosohan.”

by Melba Llanera posted on August 30, 2012  STATS: 5313 Views | 3 Comments

Ito ang reaksiyon ni JM de Guzman sa pag-appreciate ni Jessy Mendiola sa pag-amin niyang mahal niya ang dalaga: “Masaya, kasi totoo naman kasi yung sinabi ko. Sincere naman ako. Kung naa-appreciate niya, masarap sa pakiramdam."

Photo By: Noel Orsal

Ayon kay JM de Guzman, hindi pa sila muling nagkakausap ni Jessy Mendiola mula nang ihayag ng young actor, sa programang Kris TV, ang nararamdaman niya para sa dalaga.

Matatandaang isiniwalat ni JM na mahal nila ni Jessy ang isa't isa, sa kabila ng wala pa naman daw silang pormal na relasyon ni Jessy.

Ikinagulat naman ni Jessy ang rebelasyong ito ni JM dahil, ayon sa young actress, hindi niya alam na ganun pala ang nararamdaman ng young actor para sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JM sa hallway ng main building ng ABS-CBN, sinabi niyang hindi pa sila nakakapag-usap ni Jessy para ayusin ang hindi nila pagkakaintindihang dalawa.

Sabi niya, “Hindi pa, busy. Hindi ko pa naiisip sa ngayon. Mas focused muna ako sa trabaho.

“Siyempre, minsan lang dumating ang magagandang nangyayari sa career ko.

"Ito ang priority ko, for my family, for myself.”



SECOND CHANCE. Kahit ikinagulat ni Jessy ang mga sinabi ni JM patungkol sa kanilang dalawa, hinahangaan naman daw ng young actress ang ipinakitang tapang at paninindigan ng binata sa nararamdaman nito.

Nasabi rin ng young actress na bawat isa naman ay dapat mabigyan ng ikalawang pagkakataon.

Ano ang reaksiyon dito ni JM?

“Masaya, kasi totoo naman kasi yung sinabi ko. Sincere naman ako.

"Kung naa-appreciate niya, masarap sa pakiramdam. 

   

“Second chance? Mas maganda siguro na take things slowly. 

"Bata pa naman kami. Hindi pa dapat ang sobrang seryosohan,” saad niya.

Ganun pa rin ba ang nararamdaman niya para kay Jessy?

Tumango lamang si JM.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

3 Comments

  • slickchick02

    08/31/2012 | 07:33 AM
    for sure pinagsabihan ng management si JM. career muna kasi eh. even though he's short and dark, may charisma and appeal pa rin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ako_kenkoy

    08/31/2012 | 12:09 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angel25

    08/30/2012 | 08:48 PM
    what happened to JM, di pala bagay ang malaking katawan sa kanya. ang cute but with strong appeal sya dati, in 6 months nagmukha na nga syang batang ama...sana maibalik nya yung dati nyang built, mas bagay sa kanya yun, nagmukha syang matured sa itsura nya ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About