Hindi itinanggi ni Geneva Cruz na si Paco Arespacochaga ang pinatatamaan niya sa kanyang Twitter rant posts nitong mga nakalipas na araw. Aniya, nais lamang daw niyang "gisingin" si Paco. Tumanggi naman itong idetalye kung ano ang pinagdadaanan nila, liban sa pagsabing ginawa niya ito bilang miyembro pa rin ng pamilya ni Paco.

Photo: GA Granali

Karaniwang masaya ang paksa ng mga posts ng singer na si Geneva Cruz sa kanyang Twitter account.

Subalit mula Agosto 24 hanggang 25 ay inilabas niya ang mga matabang at nakakaintrigang mensaheng ito:

“Sometimes, once we recognize our mistakes, we can go back and correct them. : )

“If you feel really bad for what you have done ask #God for forgiveness; learn to forgive yourself; and never look back. : ) #atonement

“As difficult & unfair as it was, I wouldn't have traded the days I spent w/ you for anythin. You made me believe in myself again. Thank you.

“Love is a terrible thing to hate.

“As the mother of a son, I do not accept that alienation from me is necessary for his discovery of himself...

“As a woman, I will not cooperate in demeaning womanly things so that my son can be proud to be a man.”

Bagamat walang detalye kung tungkol saan o kung kanino nakalaan ang mga tweets ito, marami ang nagtaka kung bakit biglang nag-post ng ganitong mensahe ang dating Smokey Mountain singer.

Kaya kagabi, Agosto 29, pagkatapos ng Lee Cooper fashion show sa Marriot Hotel, Manila, ay inalam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kung ano ba ang pinagmulan nito.

TWEETS FOR PACO ARESPACOCHAGA. Hindi na itinanggi pa ni Geneva na para sa dati niyang karelasyong si Paco Arespacochaga ang mga mensaheng iyon.

Paliwanag niya, “Siyempre, pinagsasabihan ko lang naman, you know, kasi ano, he needs to be nicer.

“No, he’s nice naman. He’s really a great dad. It’s just that sometimes, kailangan lang talagang merong… kumbaga, sa isang kaibigan talagang gisingin lang siya nang konti.”

May isang anak na lalake sina Geneva at Paco, si Heaven, na 16 years old na ngayon.