news

Revilla and Ynares clans mourn death of eight-month old baby of Andrea Bautista and Junjun Ynares

by Gorgy Rula posted on August 31, 2012  STATS: 56717 Views | 17 Comments

Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang anak na babae nina Rizal Governor Junjun Ynares at Andrea Bautista, si Audrey Anne, noong Miyerkules, August 29. Si Audrey ay walong buwan pa lamang sa sinapupunan ni Andrea nang bawian siya ng buhay. Dumalo sa libing ang mga kaanak nina Governor Junjun at Andrea, kabilang na sina Senator Bong Revilla at dating Senator Ramon Revilla Sr.

Photo By: Gorgy Rula

Isang panibagong trahedya na naman ang dumating sa pamilya Revilla at Ynares nang namatay ang sanggol na ipinagbubuntis pa lamang ni Andrea Bautista-Ynares, maybahay ni Rizal Governor Junjun Ynares.

Walong buwan na sa sinapupunan ni Andeng (palayaw ni Andrea) ang sanggol at magsisilang na sana siya sa Setyembre.

Noong Biyernes, August 24, ay nagpa-check-up si Andeng sa kanyang OB-Gyne dahil naramdaman daw niyang parang mahina ang galaw ng kanyang baby.

Sa ultrasound, nalamang patay na pala ang sanggol sa sinapupunan ni Andrea dahil sa pagkapulupot ng umbilical cord sa kanyang paa na naging dahilan ng hindi pagdaloy ng dugo nito. 

Kaagad na isinugod sa hospital si Andeng upang operahan at tanggalin ang patay na sanggol sa kanyang sinapupunan.

Iyak nang iyak si Andeng pagkatapos siyang operahan, at hinintay na lang siyang lumabas ng hospital para bigyan nang maayos na libing ang baby.

Pangatlo sanang baby girl ito nina Andeng at Governor Ynares.

Pinangalanan nila ang sanggol ng Audrey Anne.

Si Andrea o Andeng ay anak ni former Senator Ramon Revilla Sr. at nakababatang kapatid ni Senator Bong Revilla Jr.

Naging child star din siya noon at lumabas sa mga pelikulang Dang-Dong (1980) at Tropang Bulilit (1981).

Isa si Andeng sa namamahala sa Imus Productions, ang film company na pag-aari ng pamilya Revilla-Bautista.

Si Casimiro "Junjun" Ynares III naman ay kasalukuyang gobernador ng bayan ng Rizal.


NECROLOGICAL SERVICE. Inilibing si Audrey Anne Bautista Ynares noong Miyerkules ng hapon, August 29, sa mausuleo ng pamilya Bautista sa Angelus Memorial Park sa Imus, Cavite.

Dinaluhan ito ng buong pamilya nina Andeng at Governor Junjun, na kagaya nila ay nagdadalamhati rin sa pagkamatay ng isang bagong miyembro sana ng kanilang pamilya.

Kabilang sa nakipaglibing si dating Senator Ramon Revilla Sr., ama ni Andeng, na ilang beses naming nakitang umiyak.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  Shaunmateo_25

    09/01/2012 | 05:34 AM
    The title is still misleading...akala ko an 8month old baby died..but it was an 8month old fetus. But either way, it's still sad news :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  southerngirl1

    09/01/2012 | 05:21 AM
    Hay salamat. Napalitan na ang title.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  lukaret1

    09/01/2012 | 01:17 AM
    Sobrang Oa naman itong mga ito. Still born ang baby kung todo todo naman ang ritual. Puwede ba kung sobra sobra ang mga pera ninyo magbigay na lang kayo doon sa mga PIlipinong sobrang nakakaawa at hindi kayo nag aaksaya ng pera sa still born na baby.Masyado itong pamilya nina Bong masyado nilang inapi yung mga anak ni Jennylyn. Dapat noong namatay yung nanay nina Bong pinakasalan na si Jennylyn ng matandang Revilla. Ang duda ko dito controlled ni Bong at ng mga kapatid niyang puro suk b na huwag pakasalan si Jennylyn para hindi pantay pantay ang mga mana nila. Nakakaawa naman itong sina Jennylyn.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    UsiseraAko
    09/01/2012 | 01:48 AM
    ang sama mo naman! try mo na ikaw ang magkaron ng baby na namatay sa tummy mo! you probably have not experience anything so painful para maging ganyan ka kainsensitive. at paano naman nadamay si jennylyn?! jennylyn is that you?!
    mrsbirkdale
    09/01/2012 | 07:30 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    swissmatz
    09/02/2012 | 09:38 AM
    You are so insensitive, harsh and mean person. Kay baby o matanda ang namatay pareho pa din ang sakit non.
  • 14  mccec65

    09/01/2012 | 12:38 AM
    nakikinig naman pala ang PEP. was it offensive that your editorial staff was tapped for what one of your writers wrote? kasi if you do not read the entire contents akala mo pati yung ama namatay. it is not all about ratings...respect. magagaling tayong pinoy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  southerngirl1

    08/31/2012 | 08:58 PM
    Palitan ang title. Very misleading , ano ba?
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    UsiseraAko
    09/01/2012 | 01:49 AM
    ano po ba yung title before the title that's there now? mukhang napalitan na by the time na mabasa ko ang article na itey. thank you!
    iam_brainful
    09/01/2012 | 02:32 AM
    The title before is like this i forgot word by word but its like this...Revilla and inares are crying because governor junjun is dead but its the baby NOT governor jun jun.
  • 12  misstoe

    08/31/2012 | 08:41 PM
    Hay, how sad naman, 8 months na, isang buwan nalang sana. Condolences sa Revilla-Ynares family.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  mccec65

    08/31/2012 | 08:40 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  glen

    08/31/2012 | 07:53 PM
    Nagulat din ako kala ko si JunJun ang namatay. Rest in peace little angel.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • agukoy

    08/31/2012 | 06:10 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • spiderwoman

    08/31/2012 | 03:37 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • spiderwoman

    08/31/2012 | 03:36 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dreamon

    08/31/2012 | 02:40 PM
    i forgot to write AND between the names of the parents..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dreamon

    08/31/2012 | 02:38 PM
    My gulay! Ano ba namang titulo ng article yan! Kala ko si Gov. Ynares ang isa sa namatay! Di ba pwedeng sabihing Daughter of Gov. Ynares Andrea Bautista Dies or Baby Daughter of....or something like that. Kalurkey kayo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angino

    08/31/2012 | 02:33 PM
    I agree with the commenters kala ko namatay si JunJun at yung daughter when I read the title.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    08/31/2012 | 01:58 PM
    Kala ko yun governor junjun natigok. Kahit di ko kilala un governor junjun, Napabasa tuloy ako ng article simula sa first word to the last word. Anyway PEP nasaan na si Ramona? Pwede po ba cyang iguest sa PEP Talk?
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    iam_brainful
    08/31/2012 | 03:03 PM
    PEP i just ask where is Ramona. And its not OT. Ilabas nyo si Ramona!
    iam_brainful
    08/31/2012 | 07:21 PM
    Wow binalik ng PEP tong deactivate comment ko! Galing. Thanks PEP. Dapat kase talga ipaglaban naten kong sa tingin naten ay nasa right tau. See, pinaglaban ko comment number 3 ko at binalik nila hehe. Cguro nagpatawag si Ms Joan Maglipon ng emergency hearing sa office nila at diniskas o pinagaralan nila comment ko kung dapat bang ibalik. And i win!! Thanks again PEP.
  • yacinth

    08/31/2012 | 01:57 PM
    oo nga...kasi iba ang pagkakaintindi ko...inulit ko nga... yun naintidihan ko na.... hayz...baliktarin na lang kaya...unahin ang daughter..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tineetinee

    08/31/2012 | 01:50 PM
    Would there be any way to change the article's title? Tsk!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About