[x]

Actors John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban both turned up without dates at the 6th Star Magic Ball held Saturday night, September 1, at the Makati Shangri-La Hotel. The two, rumored to be dating each other these days, attended last year’s ball with former off-screen lovers—John Lloyd with co-Star Magic talent Shaina Magdayao and Angelica with now TV-5 talent Derek Ramsay.

Photo: Contributed photo

Bukod pa sa magagarang mga gown at suit na sinusuot ng mga artistang dumadalo sa taunang Star Magic Ball, inaabangan din ng marami kung sinong mga aktor at aktres ang dumadalo bilang magkapareha.

Sa ika-anim na Star Magic Ball na naganap kagabi, Sabado, Setyembre 1, sa Makati Shangri-La Hotel, masasabing ang pinaka-inabangan ay ang pagdalo nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban bilang date ng isa’t isa.

Mainit kasi ang usap-usapan nitong nakalipas na tatlong buwan na mayroon na diumanong nagaganap na romansa sa pagitan ng dalawa.  Ito ay matapos mag-break nina John Lloyd at Shaina Magdayao sa isang banda, at nina Angelica at Derek Ramsay sa ibang banda.

Ibinalita ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) ang diumano'y panaka-nakang sighting kay John Lloyd sa building sa Quezon City kung saan may condominium si Angelica, ng bandang Hunyo. (CLICK HERE to read related story.)

Ilang linggo naman ang nakalipas, kumalat sa blogs at news websites ang isang litratong nai-post sa Instagram account ni Angelica noong Agosto 12, Linggo.

Sa nasabing litrato, magkasama sina John Lloyd at ang aktres. May caption na “Perfect Sunday” at “according to the guy in pink” ang litrato.

Makikita rin sa litrato na ang tinutukoy na "guy in pink" ay si John Lloyd na nakasuot ng pink na polo shirt. (CLICK HERE to read related story.)

Sa isang press conference nung Agosto 26, anim na araw bago ang 6th Star Magic Ball, inamin ni John Lloyd na siya ang nag-post ng pinag-uusapang Instagram photo nila ni Angelica.

“This isn't the right place, the right time to talk about it. Some other time, maybe,” nga lamang ang ipinakiusap ni John Lloyd sa mga miyembro ng press na gustong buksan ang issue. (CLICK HERE to read related story.)

RED CARPET. Sa paglakad nina John Lloyd at Angelica sa red carpet ng 6th Star Magic Ball kagabi, mapapansing mga dalawang tao lamang ang layo nila sa isa’t isa.

Nauna si John Lloyd sa aktres at nagmamadaling nilaktawan ang mga miyembro ng press na naghihintay na ma-interview siya.

Samantala, naging mailap din si Angelica sa mga interview.

Nakasuot ng itim na gown na gawa ng Lebanese fashion designer na si Elie Saab, ngumiti lamang ang aktres habang sumagot ng mangilan-ngilang salita sa mga tanong ng press.

What are you looking forward to tonight? Sagot ng Here Comes the Bride star: “Mag-enjoy.”