[x]

Actors John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban both turned up without dates at the 6th Star Magic Ball held Saturday night, September 1, at the Makati Shangri-La Hotel. The two, rumored to be dating each other these days, attended last year’s ball with former off-screen lovers—John Lloyd with co-Star Magic talent Shaina Magdayao and Angelica with now TV-5 talent Derek Ramsay.

Photo: Contributed photo

Nang tanungin pa kung sino sa mga kaibigan niya sa Star Magic ang gusto niyang maka-bonding sa gabing iyon, tugon ni Angelica: “Wala naman, kasi lagi ko namang kasama yung mga friends ko.”

Noong nakaraang taon, sa ika-limang Star Magic Ball, parehong may ka-date pang iba sina Angelica at John Lloyd.

Kasama noon ni John Lloyd ang ex-girlfriend na ngayong si Shaina Magdayao at si Angelica naman ay ang ex-boyfriend na nitong si Derek Ramsay.

Talent na ngayon ng TV5 si Derek, habang si Shaina naman ay solo ring dumating sa pagdiriwang.

Samantala, ayon sa isang guest na naroon, nang nasa loob na ng dining hall, malinaw na sina John Lloyd at Angelica ang magka-date.

Teorya ng guest, iniwasan lang marahil ng dalawa na makitang magkasama sa red carpet dahil doon nakapuwesto ang mga reporters at photographers. 

Marami namang guests ang nakakita na magkahawa-kamay na lumabas ng Rizal Ballroom sina John Lloyd at Angelica pagkatapos ng pagdiriwang.