[x]

Bianca Manalo: “Kasi bilang babae, kapag nasaktan ka, masakit. Naniniwala ako na you can wallow, you can grieve, but you have to give your grief a deadline.” At the sixth Star Magic Ball, nearly four months after John Prats broke up with her, Bianca and John see each other for the first time.

Photo: Noel Orsal

Tatlong buwan at dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang maghiwalay ang dating magkasintahang sina John Prats at Bianca Manalo.

Matatandaang hindi ibinigay ng beauty queen turned television host and actress ang rason kung bakit sila naghiwalay. Ngunit inamin ni Bianca na si John ang nakipag-break sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa unang pagkakataon mula pa ng kanilang breakup, nagtagpo muli ang landas ng dalawa sa naganap na ika-anim na Star Magic Ball kagabi, Setyembre 1, sa Makati Shangri-La Hotel.

Namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina John at Bianca na halos magkasunod na naglakad sa red carpet, papasok ng Rizal Ballroom kung saan naganap ang pagdiriwang. Mayroon lamang mga tatlong tao sa pagitan ng dating magkasintahan.

Nang mahagilap ng PEP.ph si John,  naglalakad ito sa red carpet. Tinanong namin ito kung anong pakiramdam at kasunod lamang niya ang dating girlfriend. Awkward ba ito?

Natatawang pag-amin ng Banana Split actor, “Awkward... Naging honest talaga?”

Pagbawi pa nito, “No, no… Well, I don’t know kung paano ko sasagutin yun.”

Mapapansing mag-isang naglakad sa red carpet ang 28-year-old actor. Ayon kay John, kasama raw dapat niya ang kanyang kapatid na si Camille Prats bilang date, subalit hindi raw pinayagan si Camille ng GMA-7, kung saan nagtatrabaho ngayon ang former Star Magic talent.

Sinabi ni John na first time nga uli nilang magkikita ni Bianca: “After a long time…yeah.”

Nag-react din ito nang tanungin kung palagay niya ba’y bagay kay Bianca ang maiksing buhok. Kamakailan lamang nang magpagupit nang halos hanggang tenga na ang 2009 Binibining Pilipinas-Universe.

“It looks nice!” sabi pa ni John.

Sa panayam, naitanong din kay John kung pinaplano ba niyang lapitan at kausapin si Bianca mamaya sa ball.

Sagot nito, “Hindi ko pa alam. Hindi ko pa naman naplano. But we’ll see later.”

Kung makakausap niya si Bianca, anong sasabihin niya dito?