news

PART 1: Dingdong Dantes on being a movie producer: “It’s not just about the money. Yung mga detalyeng pagdadaanan mo araw-araw para lang mapasaya mo ang audience mo.”

by Rose Garcia posted on September 2, 2012  STATS: 4802 Views | 10 Comments

Mas mataas na raw ang tingin ngayon ni Dingdong Dantes sa local movie producers matapos ng pinagdaanan niya bilang co-producer ng Tiktik: The Aswang Chronicles. “Oo, sobra. Ang taas talaga ng tingin ko sa mga producers natin. Kung gaano kahirap talagang gumawa ng isang movie, how hard it is…That’s why I can’t imagine lahat ng pinagdaanan nina Mother Lily, GMA Films, Star Cinema,  Viva Films…yung mga batikan sa industriya,” sabi pa ni Dingdong.

Photo By: Nerisa Almo

Matapos ang 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Segunda Mano bilang unang proyekto, malapit nang ipalabas ang pangalawang pelikulang iprinodyus ni Dingdong Dantes, ang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Kasama ng Agostodos Pictures ni Dingdong, bilang co-producers ng Tiktik, ang Reality Entertainment Inc., Postmanila Inc., Mothership Inc., at GMA Films.

Ang Tiktik, na pinagbibidahan din ni Dingdong, ay ipapalabas na sa October 17.

 

DINGDONG THE PRODUCER. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa 32-year-old actor nung Agosto 19, sa Baang Coffee Shop sa Tomas Morato, Quezon City, natanong ito kung paano niya nahihiwalay ang pagiging aktor at producer.

“Mahirap po,” sagot ni Dingdong.

“Siyempre, hangga’t maaari gusto niyong pagandahin ang eksena. Lahat ng posibleng ideya, ibubuhos niyo.  

“Pero siyempre, iisipin mo na may kaakibat na budget yun.

“So, medyo magdadalawang-puso ka. Hindi isip, e. Puso,” natatawang dagdag pa niya.

“Pero  mangingibabaw pa rin sa akin ang quality ng produkto.”

Magkasunod na horror films ang prinodyus niya. Bakit hindi ibang genre tulad ng comedy o drama?

“Meron kasing something na…it’s a fact na computer generated siya [Tiktik], mula umpisa hanggang dulo, na para sa akin, nae-excite ako as a viewer. I find it very interesting.

“So, iniisip ko rin as an audience, as a moviegoer, na bukod sa normal na napapanood nating aswang story, may added value na bihira nating nakikita…

“Well, actually, hindi pa nakikita sa Philippine Cinema,” pagmamalaking sabi ni Dong tungkol sa mula umpisa hanggang katapusan ng pelikula na nilantayan ng CGI o computer-generated imagery.

Bilang producer, mas lalo raw niyang naintindihan ngayon ang local film producers.

“Oo, sobra. Ang taas talaga ng tingin ko sa mga producers natin.  Kung gaano kahirap talagang gumawa ng isang movie, how hard it is. 

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  lilac0808

    09/03/2012 | 10:07 PM
    may manonood naman nito for sure, pero suggestion lang , wag mong ipa promote kay MR kundi disaster ang movie na ito..ahahaha. Biglang uusok ang bunbonan at mapapa ewww... wag na, kaasar ang mukha ng gf mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • batasau

    09/03/2012 | 03:15 PM
    Sa lahat ng GMA artist isa sya talaga sa pinaka successful! Na meet ka namin mabait ka at very accommodating kaya gudluck sa movie mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    lilac0808
    09/03/2012 | 10:09 PM
    i agree, you can sense naman na may kabaitan pagkatao niya, kahit walang effort na pagpapakita, lumalabas ang tunay na ugali niya. Kabaliktaran naman doon sa gf niya, as in mukhang ang anghel pero di mo masinag sinag ang kabaitan.
  • Kritiko07

    09/03/2012 | 10:12 AM
    ask nyo si Dong kung sino nag inspire sa kanya na maging movie producer,
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    manangdi
    09/03/2012 | 10:49 AM
    Does it matter though? I am guessing that he has friends who are producers, afterall, he is in the business.
    Kritiko07
    09/03/2012 | 06:23 PM
    Isa sya sa mga artistang gumanap sa kaunaunahang movie na pinodruced ni piolo Pascual, ang Kimmy Dora, at dahil sa kumita ang movie ng milyon milyon sa unang kimmy dora, nakagawa ito ng part 2, which is a another HIT, sinong artista ang hindi ma iinspire na gumawa ng pelikula kung nakita mong ganun kabilis kumita ng pera, kailangan lang ni ding dong na magaling na co-producers,
  • ako2

    09/03/2012 | 08:38 AM
    Grabe sa ganda ng trailer, nakaka-excite. Kung nandid'yan ako sa Pinas t'yak makikipila ako sa first showing. Sana lahat ng movie sa Pinas ay may ganyang quality ng Aswang Chronicles! Sa mga utak talangka sa presinto na kayo magreklamo kung gusto n'yong umapela at mag-nega sa comment ko! O kung gusto n'yo ihain n'yo pa sa Senado mga reklamo n'yo...'yun ay kung pakikinggan kayo....lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • manangdi

    09/03/2012 | 06:53 AM
    Congratulations on your new endeavour. I know that you are doing this not for ego tripping but for artistic growth and for the industry. Good luck, i pray that this movie will be appreciated by the Filipino moviegoers.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lilac0808

    09/02/2012 | 10:34 PM
    flop ito, kasi ang haters ni marian di manonood..lol, immagine 67 percent haters?
    Reply |  7 Replies
    0   0   0  
    empress_mortal
    09/03/2012 | 01:09 AM
    imagination mo lang yan
    lilac0808
    09/03/2012 | 02:47 AM
    tingnan natin..hehe, pag nag klik saka ka na magsabi na immagination ko at tatanggapin ko naman ng buong buo at mag sosorry pa ako sayo. lol
    pearl102
    09/03/2012 | 02:55 AM
    Nagsasabog na naman ng papaitan si iLALACO hahaha
    merlion_25
    09/03/2012 | 05:22 AM
    wag ka na mag-sorry. immaterial and irrelevant you. hahahaha!
    manangdi
    09/03/2012 | 06:51 AM
    this movie is not for you and your fellow dimwits anyway! nagsurvey ka at may percentage ka pa? go find a real job!
    ako2
    09/03/2012 | 08:31 AM
    Tumigil ka na nga sa pagiging utak talangka mo! Di ka ba napapagod at nabibigatan sa mga talagkang nakasaksak sa utak mo? Kaya tuloy ang bagal ng asenso ng mga tao sa PInas dahil sa mga kagaya mong me utak talangka!
    ako2
    09/03/2012 | 08:47 AM
    Galing mo talaga sa math iha at may percentage ka pang nalalaman! Aber, sa'n mo naman nakuha 'yong 67 na 'yan, sa bolang crystal o sa tarot card ni Madam Auring? Imagine ko 100 kang nega and 0 positive...lol!
  • merlion_25

    09/02/2012 | 08:57 PM
    First in da Pinas ang ganyang klaseng movie efx. Congrats Dingdong D and the rest of the TikTik team.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • funrel

    09/02/2012 | 08:53 PM
    luv u dong !gwapo mo...sana maging box ofc hit ito:
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gobernadora

    09/02/2012 | 03:04 PM
    SANA maging blockbuster din ito katulad ng The Healing ni ate Vi, una syempre gusto ko kumita ang tiktik dahil producer si Dong at need natin ang mga producers sa ngayon. Kaya sana, mapanood nating lahat, rain or shine! Suportahan po natin ang lahat ng mga local films!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovelike

    09/02/2012 | 01:28 PM
    the 3rd Sexiest Man in the WORLD... it's always from KAPUSO: DINGDONG!!! 9th Place International Beauties of 2012 again from KAPUSO: MARIAN!!!
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    dospoako
    09/02/2012 | 02:27 PM
    tapos?
    gmaownedpep
    09/02/2012 | 06:34 PM
    9th place? Saan..sa cheap na blog? Kasing CHEAP mo..sabik. BIG LOL.
    merlion_25
    09/02/2012 | 08:06 PM
    daming bitter.. support nyo na lang kasi ang gurlalo nyong idols sa Dos. bwahahahahaha! Dingdong Dantes- idoooOOOOLLLLL!!!

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About