news

Ariel Ureta appears in Of All the Things; says he owes revival of career to Kimmy Dora

by Rey Pumaloy posted on September 3, 2012  STATS: 8625 Views | 4 Comments

“Nung dumating ang Kimmy Dora, doon nagdagsaan ang mga offers, e. Kasama na dun ang Umagang Kay Ganda. Sa Kimmy Dora talaga. Kasi pag maganda ang project or masabit ka sa magandang project, ang sarap!” says Ariel Ureta on how his showbiz career was revived.

Photo By: Nimfa Chua

Masaya si Ariel Ureta sa nangyayaring pagkaka-revive ng kanyang showbiz career.

Matapos na matandaan siya nang husto sa dalawang Kimmy Dora movies ni Eugene Domingo, heto’t sa isa na namang Bb. Joyce Bernal movie makikita ang TV host at komedyante na sumikat noong 1970s.

Kasama si Ariel sa Of All The Things, na pinagbibidahan nina Regine Velasquez at Aga Muhlach.   

Papel ng isang “loser” na ama ang ginagampan ni Ariel sa movie nina Regine at Aga.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ariel sa presscon ng nasabing pelikula nung August 27 sa City Best Seafood Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ikinuwento niya ang ilang bagay tungkol sa kanyang role.

Asawa raw niya sa movie ang isang dating beauty queen, na ginagampanan naman ni Gina Pareno.

“Nadaan ko sa razzle-dazzle. Magaling akong manligaw, e. Pero wala ring nangyari sa buhay,” kuwento pa ni Ariel tungkol sa kanyang character. 

“So, after a while, itong si Gina, parang nagsisisi dahil nawalan siya ng career at yung buhay na pinapangarap niya, hindi nangyari.”

“At dahil hindi naman kami yumaman dahil hindi naman ako magaling sa buhay, yung anak kong si Regine, kailangang magtrabaho. Kailangang rumaket.

“Although hindi naman isinisisi nang diretsahan, pero parang lumalabas na nagsisisi itong si Gina, ‘Kung iba lang sana ang napangasawa ko.’”



DIFFERENT FROM HIS ROLE IN KIMMY DORA. Ibang-iba raw ang role niya ngayon sa Of All The Things sa naging role niya sa Kimmy Dora Kambal Sa Kiyeme at Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme.

 “Yung papel ko sa Kimmy Dora na napakayaman, napakahirap naman dito.”

Hindi ba siya nahirapan sa pag-adjust sa role niya ngayon?

Natawa muna nang malakas si Ariel bago nagsabing, “Natural sa akin yung napakahirap, e. Kaya act naturally lang ako. 

“Mas mahirap acting-in yung mayaman.”

Pansin ng PEP kay Ariel, mukhang sa movies siya nalilinya ngayon.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • flightforge29

    09/03/2012 | 01:08 PM
    I love the tandem of Ariel -Dawn noong RSVP days nila sa GMA yun mga late night pinapalabas..Si Ai-Ai ang hinihintay ko don sa kanyang portion na stand -up comedy na Chinee La Chica.. Nag uumpisa pa lang nun si Ai at galing talaga nya magpatawa..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hibangers2

    09/03/2012 | 11:11 AM
    Kasal kasali kasalo ata ang comeback movie niya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • marchioness

    09/03/2012 | 09:28 AM
    I would say that I was happy to see him in Kasal, Kasali, Kasalo... You know the saying, you cannot put a good actor down. In his case, I would say a charismatic actor so I welcome you back, Ariel Ureta. I gleefully welcome you back!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kiwipinay

    09/03/2012 | 06:42 AM
    i miss yung samahan nila, nila tessie tomas, gary lising, subas herrero, noel trinidad etc... mabuti me project sya ulit.. kelangan naman sa showbiz ng me mga edad na me kalidad sa pag arte o pag host! hay napapaghalata na me edad na rin ake! Goodluck Ariel!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About