Paco Arespacochaga on ex-wife Geneva Cruz: “To set the record straight... Gen was a good wife! She will always be family to me. She is the mother of my son, Heaven, and the godmother of my second son, Caelen. So wala siyang kawala sa buhay ko."

Photo: Paco Arespacochaga's Twitter account

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paco Arespacochaga sa pamamagitan ng Facebook private messaging kahapon, September 2.

Si Paco ang drummer ng bandang Introvoys at dating asawa ng singer-actress na si Geneva Cruz.

May isang anak sina Paco at Geneva—si Heaven na ngayon 16 years old na.

Naka-base na ngayon sa Amerika si Paco.

Kinuha ng PEP ang reaksiyon ni Paco tungkol sa “pagpapaalala” sa kanya ni Geneva sa Twitter noong nakaraang linggo.

Matatandaang nag-post si Geneva ng matabang at nakakaintrigang mensahe sa Twitter account niya noong August 24 hanggang 25:

“Sometimes, once we recognize our mistakes, we can go back and correct them. : )

“If you feel really bad for what you have done ask #God for forgiveness; learn to forgive yourself; and never look back. : ) #atonement

“As difficult & unfair as it was, I wouldn't have traded the days I spent w/ you for anythin. You made me believe in myself again. Thank you.

“Love is a terrible thing to hate.

“As the mother of a son, I do not accept that alienation from me is necessary for his discovery of himself...

“As a woman, I will not cooperate in demeaning womanly things so that my son can be proud to be a man.”

At sa panayam sa kanya ng PEP noong August 29, inamin ng dating Smokey Mountain member na si Paco nga ang pinariringgan niya.

Sabi ni Geneva: “Siyempre, pinagsasabihan ko lang naman, you know, kasi ano, he needs to be nicer.

“No, he’s nice naman. He’s really a great dad.