Paco Arespacochaga on ex-wife Geneva Cruz: “To set the record straight... Gen was a good wife! She will always be family to me. She is the mother of my son, Heaven, and the godmother of my second son, Caelen. So wala siyang kawala sa buhay ko."

Photo: Paco Arespacochaga's Twitter account

Si KC naman na tinutukoy ni Paco ay si KC Montero, ang pangalawang asawa ni Geneva.

Hiwalay na sina Geneva at KC, na nali-link naman ngayon kay Rhian Ramos.

Diin ni Paco, magkaibigan sila ni Geneva ngayon.

“I even shot her music video here in Los Angeles,” sabi pa niya.

INTROVOYS. Nalaman din ng PEP mula kay Paco na aktibo pa rin pala ang Introvoys hanggang ngayon.

Madalas daw silang tumutugtog sa California.

In fact, may mga gigs ang Introvoys sa mga sumusunod na dates and venues: September 22 at Josephine's Grill in Cerritos, and October 27 at Rockit Room in San Francisco.

Buo pa rin sila ng mga bandmates niyang sina Jonathan Buencamino (vocals), G3 Misa (guitars), JJ Buencamino (keyboards), at Jonathan dela Paz (bass).

May ongoing talk show rin si Paco, ang Paco In the House.

“It's shown locally in Los Angeles on channel 31.3 and on the internet at www.pacointhehouse.com.

“Watch my show on the internet, 9:30pm Manila time,” sabi ni Paco.