After confirming news that he stopped wooing Sarah Geronimo, Gerald Anderson, in an interview with PEP, said, “Right now, sa stage sa buhay ko, I’m just trying to move forward with my life.”

Photo: Nerisa Almo

Inamin ng young actor na si Gerald Anderson na huminto na siya sa panliligaw sa Pop Princess na si Sarah Geronimo.

“Oo, at sana po respetuhin na lang. Nag-decide kami to be friends and yun ang importante,” sagot ni Gerald nang tanungin siya ng ABS-CBN News sa 6th Star Magic Ball noong Sabado, Setyembre 1, sa Shangri-La Makati.

Matatandaan na noong Hulyo ay may lumabas na balitang mismong ang ina ni Sarah, si Mrs. Divine Geronimo, ang nagsabi kay Gerald na huminto na ito sa panliligaw sa kanyang anak.

Subalit pinabulaanan ito ni Sarah sa isang episode ng musical TV program niyang Sarah G Live, kung saan naging guests ang kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Sabi ni Sarah, “Hindi po, sa totoo lang talaga, hindi po ang mommy ko ang nagpatigil kay Gerald na manligaw. Wala.”

(CLICK HERE to read related article.)

MOVING FORWARD. Kahapon, September 2, nakapanayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Gerald sa event ng iniendorso niyang produkto, ang Dermablend, sa Hypermarket ng SM North Edsa.

Nang subukang tanungin muli ang Kapamilya actor tungkol sa pagtigil niya ng panliligaw kay Sarah ay umiwas na siya.

“Sinagot ko na po ‘yan,” sabi ni Gerald.

Dagdag niya, “Right now, sa stage sa buhay ko, I’m just trying to move forward with my life.

"Excited ako sa mga new projects na gagawin ko.”

Bagamat hindi na siya nagpatuloy sa panliligaw kay Sarah, siniguro naman ni Gerald na mananatili ang pagiging magkaibigan nila ng dalaga.

“‘Yon po ang pinakaimportante sa amin,” sabi niya.

Pakiusap din ni Gerald sa publiko, “Sana ho respetuhin ‘yong naging decision namin na mananatili kaming magkaibigan.”



DATELESS IN STAR MAGIC BALL. Bukod sa isyu tungkol sa kanila ni Sarah, napag-usapan din sa interview ang pagiging dateless ni Gerald sa nakaraang Star Magic Ball.