John Lloyd Cruz on the success of his onscreen partnership with Bea Alonzo: “Yun naman ang hawak namin ni Bea since day one—sincerity. Hindi namin dinisillusion ang aming mga taga-suporta. Hindi namin pinalabas na nagkakagustuhan kami. In fact, kapag kami ay magkaaway, talagang magkaaway kami. Actually, we survived one teleserye na hindi kami okay."

Photo: Noel Orsal

Matagal-tagal na rin mula nang huling mapanood sa pelikula ang isa sa pinakamatagumpay na loveteam sa bansa—sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.   

Kaya naman marami sa mga tagahanga ng kanilang tambalan ang matutuwa dahil muli silang magsasama sa kanilang bagong pelikula mula sa Star Cinema, ang The Mistress, na mapapanood na simula sa September 12.

Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo nina John Lloyd at Bea bilang loveteam.

Sa taped interview ni Boy Abunda kay John Lloyd sa The Buzz kahapon, September 2, binalikan ng aktor ang pagsisimula ng tambalan nila ni Bea.

Lahad niya, “Alam niyo, nangyari na lang siyang talaga.

“Umaandar na noon ang Kay Tagal Kang Hinintay in the sense na I was being paired with Rica Peralejo’s character and Dimples Romana’s character.  

“Siguro they wanted to see someone paired with me nang pang-matagalan.”

YOUNG SCREEN PARTNER. Ano ang naging initial reaction ni John Lloyd noong unang sinabi sa kanya na si Bea ang makaka-loveteam niya?

“Ang bata, ang bata… ang bata ni Bea, bata talaga,” mabilis na sagot ni John Lloyd.

Unang nagsama sina John Lloyd at Bea sa teleseryeng Kay Tagal Kang Hinintay.

Nineteen years old noon si John Lloyd, samantalang 14 lamang si Bea.

Patuloy ng Kapamilya actor, “Hindi ko alam kung puwede kong sabihin, pero do’n sa istorya, talagang pina-mature [si Bea].   

“Fourteen years old, naka-T-back? 

“Isa yun sa naaalala ko, hindi ko alam kung bakit!” natatawa niyang sabi.