John Lloyd Cruz on the success of his onscreen partnership with Bea Alonzo: “Yun naman ang hawak namin ni Bea since day one—sincerity. Hindi namin dinisillusion ang aming mga taga-suporta. Hindi namin pinalabas na nagkakagustuhan kami. In fact, kapag kami ay magkaaway, talagang magkaaway kami. Actually, we survived one teleserye na hindi kami okay."

Photo: Noel Orsal

Sabi ni John Lloyd, “Ako, pag naiisip ko ngayon, hindi naman tama sa lalaki na i-deny yun. 

“Imposible naman na sa sampung taon, hindi mo naisip o hindi sumagi sa isip mo.

“At saka, ano rin kami, yung personal relationship namin, sa loob ng sampung taon, ang daming dinaanan na high and low.”

Ano ang mga high?

“Of course, was the great success of the team-up, na kahit hindi naman namin talaga… Hindi kami nag-give in to the pressure of being together. 

“Kahit nilalabanan namin, there’s a certain amount of respect for these people na humahanga sa inyo at gusto kayong magkatuluyan. 

“Parang walang ibang dahilan para hindi irespeto sila bilang humahanga sila, sila yung mga tagahanga.

“Actually, isa yung dahilan at doon nag-lead ang ibang pagkakataon na naging maganda ang takbo ng aming personal na relasyon—dahil sa ganoong pressure. Hindi ako bumigay talaga. 

“Yun naman ang hawak namin ni Bea since day one—sincerity.

“Hindi namin dinisillusion ang aming mga taga-suporta. Hindi namin pinalabas na nagkakagustuhan kami. 

“In fact, kapag kami ay magkaaway, talagang magkaaway kami.”

Pag-amin pa ni John Lloyd, “Actually, we survived one teleserye na hindi kami okay. 

“Pero ayoko nang sabihin kung ano. It’s not gonna be fair para sa show na yun.”

Hindi sila nag-uusap ni Bea?

“Nag-uusap kami. Tinatanong ko siya, ‘Ano, naiintindihan mo na ba ako ngayon kung ano ang pinanggagalingan ko?’