Ito ang pahayag ni John Lloyd Cruz tungkol sa nababalitang relasyon nila ni Angelica Panganiban: “Isa sa pinakamaganda about this relationship, sa amin ni Angel, ang maganda rito is kaya namin, naiintindihan namin kung nasaan kami, kung saan namin ipoposisyon ang sarili namin. Para bang walang takot to do everything, today, then kung meron pang tomorrow.  Parang may nag-e-exist na paniniwala na you do what you have to do today. You have the rest of your life.”

Photo: Contributed photo

“In the process, parang mapagbigay ka ng comment, mapagbigay ka ng opinyon…

“Ito ha, minsan, kahit yung mga taong nakapaligid na sa inyo.

“Ang tingin ko kasi sa Pinoy, kung ano ang pini-feed mo…

“I-feed mo nang i-feed sa Pinoy, nababasa nila every day, yun na ang papaniwalaan nila.”

NOT THE RIGHT TIME. Ibinalik namang muli ni Boy ang tanong sa Instagram photo na inilabas ni Angelica. Kung ano ang gustong sabihin ni John Lloyd tungkol dito o kung gusto ba nitong magsalita tungkol dito.

Ayon kay John Lloyd, “Ang pinanggagalingan ko lang, for something this special, yung sa amin, hindi sa umiiwas ako na ayaw kong pag-usapan. 

“Never kong nagustuhan na maramdaman niya yun na hindi ko siya ipina-prioritize.

“It’s just that, ang pinanggagalingan ko, something this special, ayoko itong isabay sa promo ng pelikula ko. It deserves a better time. 

“Hindi naman tanga ang manonood, opo, wala po akong sinasabing iba.

“Ang sa akin lang, yung sa amin, gusto kong bigyan ng pagpapahalaga, na sa tingin ko, karapat-dapat para sa amin.

“So, yun lang ang pinanggagalingan ko. 

“Bakit kasi isasabay pa namin dito, isasabay pa namin sa Star Magic Ball. Yun lang ang akin.

“At saka, respeto rin sa sampung taon namin ni Bea [Alonzo]. May kanya-kanyang time.”