Ito ang pahayag ni John Lloyd Cruz tungkol sa nababalitang relasyon nila ni Angelica Panganiban: “Isa sa pinakamaganda about this relationship, sa amin ni Angel, ang maganda rito is kaya namin, naiintindihan namin kung nasaan kami, kung saan namin ipoposisyon ang sarili namin. Para bang walang takot to do everything, today, then kung meron pang tomorrow.  Parang may nag-e-exist na paniniwala na you do what you have to do today. You have the rest of your life.”

Photo: Contributed photo

STAR MAGIC BALL. Naganap ang interview ni Boy kay John Lloyd bago pa man ang Star Magic Ball noong Sabado, September 1. Kaya isa pa sa tanong ni Boy ay kung ano ang plano ng aktor sa malaking event na ito o kung solo lang ba itong darating.

Sabi ni John Lloyd, “Isa sa pinakamaganda about this relationship, sa amin ni Angel, ang maganda rito is, kaya namin, naiintindihan namin kung nasaan kami, kung saan namin ipoposisyon ang sarili namin.

“Para bang walang takot to do everything, today, then kung meron pang tomorrow. 

“Parang may nag-e-exist na paniniwala na you do what you have to do today. You have the rest of your life.”

Sa Star Magic Ball, magkahiwalay na dumating sa Shangri-La Makati Hotel sina John Lloyd at Angelica.

Pero sa loob ng Rizal Ballroom kung saan ginanap ang mismong event ay naglapit rin ang dalawa at nakuhanan pa nga ng litrato na magkasama.

Marami rin ang nakakita na magkahawak-kamay sina John Lloyd, at Angelica nang sabay silang umalis pagkatapos ng Star Magic Ball.

(CLICK HERE to read related story.)

Huling tanong ni Boy kay John Lloyd: Yes or no, masaya ba siya?

Pero sa halip na yes or no, ito ang nakangiting sagot ng aktor: “Ang tagal ko nang hindi ganito kasaya.”