Ito ang pahayag ni John Lloyd Cruz tungkol sa nababalitang relasyon nila ni Angelica Panganiban: “Isa sa pinakamaganda about this relationship, sa amin ni Angel, ang maganda rito is kaya namin, naiintindihan namin kung nasaan kami, kung saan namin ipoposisyon ang sarili namin. Para bang walang takot to do everything, today, then kung meron pang tomorrow.  Parang may nag-e-exist na paniniwala na you do what you have to do today. You have the rest of your life.”

Photo: Contributed photo

Sa ikalawang bahagi ng taped interview ni Boy Abunda kay John Lloyd Cruz sa The Buzz, tinanong ni Boy si John Lloyd kung ano ang nasa likod ng lumabas na litrato nila ni Angelica Panganiban sa Instagram account ng aktres.

Sa larawan ay may nakalagay na “Perfect Sunday” at caption na “according to the guy in pink”—na ang tinutukoy ay walang iba kundi si John Lloyd.

(CLICK HERE to read related story.)

Ngunit sa halip na direktang sagutin ni John Lloyd ang tanong ay naglabas muna siya ng kanyang saloobin sa mga pambabatikos na nakukuha nila ni Angelica.

Natawang sabi ng aktor, “Alin ba, saan ko ba sisimulan? 

“Marami akong gustong sabihin. 

“Siguro, isa sa gusto kong sabihin, bago man yung tungkol sa amin ni Angelica, nakakatawa minsan kapag nakakarinig ka sa mga tao na as if alam nila ang pinagdadaanan mo. 

“Grabe, all out, give na give ang pagbibigay ng komento, opinyon. 

“Hanggang sa punto na kung ano ang perception nila, kung ano ang opinyon nila, unti-unti, tumatagal, nabubuo, yun na ang totoo sa kanila.

“Nakakatawa lang. Nakakatawa na minsan nakakairita. 

“Minsan, nakakapikon. But mostly, nakakatawa.  

“Parang let’s not forget, itong mga taong ito, puwede nating sabihin kung ano ang gusto nating sabihin about them.

“Puwede tayong magbigay ng opinyon, i-share natin ang opinyon sa mga kapwa natin na opinionated.

“But at the end, you have to realize na hindi kayo mga parte ng mga buhay ng mga taong ito.

“I mean, ano ang alam niyo para makapagbuo kayo at makapagkalat kayo ng kuwento?