Ang wish ni Enzo Pineda para sa rumored girlfriend niyang si Louise delos Reyes na katatapos lang mag-celebrate ng 19th birthday: "I hope na mas marami pang blessings ang dumating sa kanya. Dahil si Louise, isang sobrang bait na tao. Sobrang mapagbigay. Sobrang sweet and everything. So, I’m sure mababalik lahat ang kabaitan niya.”

Photo: Noel Orsal

Hindi na kayang itago pa nina Enzo Pineda at Louise delos Reyes sa kanilang mga kilos ang maganda nilang pagtitinginan.

Last Sunday, September 2, namataan sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magka-holding hands na bumababa mula second floor dressing room ng Studio 7 ng GMA Network Studios, patungo sa kinabibilangan nilang show na Party Pilipinas.

Tinanong ng PEP si Enzo kung sila na nga ba talaga ni Louise.

“Uy, hindi, a! Wala!” sabay tawang reaksiyon ng binata.

Si Louise naman, kapag natatanong ay sinasabing "special friends" daw sila ni Enzo.

Sa katatapos lang na 19th birthday ni Louise, ikinuwento ni Enzo na nauna na niyang ibinigay ang regalo niya sa dalaga, bago pa dumating ang araw ng kaarawan nito.

“Sinalubong ko ang birthday niya. Tapos ibinigay ko ang gift ko sa kanya in advance.

“Birthday din ng kuya ko nung August 30. Inuna ko muna si Louise," lahad ni Enzo.



THE GIFT. Isang Hello Kitty bag at pabango ang regalo ni Enzo sa kanyang rumored girlfriend.

Aniya, “Happy ako sa kanya. Okay yung production number niya sa Party Pilipinas. I’m really proud of her.

“And I hope na mas marami pang blessings ang dumating sa kanya. Dahil si Louise, isang sobrang bait na tao.

“Sobrang mapagbigay. Sobrang sweet and everything. 

"So, I’m sure, mababalik lahat ang kabaitan niya.”



ENZO'S GIFT FROM LOUISE? Ipinagdiwang din ni Enzo ang kanyang 22nd birthday last August 12.

Naibigay na ba ni Louise ang sinasabing surprise gift nito sa kanya?

Ayon kay Enzo, “Hindi naman importante sa akin ang gift.

"Masaya na ako na makasama ko lang siya, happy na ako. Mas importante sa akin yung oras.”