Heart Evangelista on keeping her lovelife private: “I think I’ve learned it the hard way but, definitely, I want my relationship to be private this time. Kasi ang hirap. Nothing is certain in life and then you break up. Hayan na naman. Ang dami ko nang breakups. Mas mabuti nang tahimik. Gusto ko namang pag-usapan ang pinaghihirapan ko, pinagtatrabahuhan ko, at hindi na lang puro personal na buhay. At saka, mas marami ang nasasaktan kapag public kayo sa relationship.”

Photo: Noel Orsal

Sina Heart Evangelista at Bianca King ang gaganap sa title characters ng ikatlo at huling yugto ng GMA-7 primetime series na Luna Blanca.

Si Heart ang gaganap ngayon bilang Blanca, na unang ginampanan ni Mona Louise Rey bilang bata at Barbie Forteza bilang teenager.

Si Bianca naman ang gaganap ngayon bilang Luna, na unang ginampanan ni Jillian Ward noong bata pa ito at ni Bea Binene noong teenager.

Masaya raw si Heart na si Bianca ang makakasama niya sa Book 3 ng Luna Blanca.

Aniya, “I’m so happy because, you know, Bianca is really a smart girl and, you know, she’s also a director. 

“I’ve worked with her also before, sa Hale, yung ‘Bahay Kubo.’"

Ang tinutukoy ni Heart ay ang music video ng bandang Hale noon.

“Nakatrabaho ko na rin siya do’n and it’s nice to work with somebody who’s responsible.

“She knows her lines, she knows what she’s doing at nakaka-inspire. 

“Mahirap yung make-up pero sobra ang patient niya, nakakatuwa.”

Bilang Luna kasi ay kailangang paitimin ang balat ni Bianca sa pamamagitan ng make-up.

Higit sa pressure, mas nakikita ni Heart ang advantage na sila ni Bianca ang lalabas sa Book 3 ng kanilang teleserye.

Saad niya, “Yun ang nakakatuwa kasi may followers na. Kumbaga, na-stabilize na nila ang viewers, hook na sila sa story. 

“Tapos ngayong tumanda pa, the plot thickens pa, mas lalo pa nilang aabangan. 

“So, sana hindi sila bumitiw sa pagpapalit ng cast.”