Heart Evangelista on keeping her lovelife private: “I think I’ve learned it the hard way but, definitely, I want my relationship to be private this time. Kasi ang hirap. Nothing is certain in life and then you break up. Hayan na naman. Ang dami ko nang breakups. Mas mabuti nang tahimik. Gusto ko namang pag-usapan ang pinaghihirapan ko, pinagtatrabahuhan ko, at hindi na lang puro personal na buhay. At saka, mas marami ang nasasaktan kapag public kayo sa relationship.”

Photo: Noel Orsal

“Akin lang yun. Obviously ngayon, alam na nila.”


FOCUS ON HER. Masaya naman daw si Heart ngayon at mas focused siya sa kanyang career.

Sabi pa niya, “Kasi, kapag may love, parang lagi na lang yun ang nasa TV. Yun nang yun. 

“So now, it’s time to focus on me.”

Kung magkakaroon man daw siya ng relasyon ngayon, mas magiging pribado na raw ito.

“I think I’ve learned it the hard way but, definitely, I want my relationship to be private this time. 

“Kasi ang hirap. Nothing is certain in life and then you break up. 

“Hayan na naman. Ang dami ko nang breakups. Mas mabuti nang tahimik. 

“Gusto ko namang pag-usapan ang pinaghihirapan ko, pinagtatrabahuhan ko, at hindi na lang puro personal na buhay. 

“At saka, mas marami ang nasasaktan kapag public kayo sa relationship.”


WHAT IF… Annulled na ang kasal ni Senator Chiz sa dating asawa nitong si Christine Elizabeth Flores, kunsaan mayroon siyang dalawang anak.

Kung sakali, okay lang ba kay Heart na ang lalaking mamahalin niya ay may mga anak na?

“They asked me nga… parang I don’t want to take it din naman.

“Parang kawawa naman at napakakitid din naman ng pag-iisip ko if I’ll think about that. 

“I mean, there’s always a second chance in life.