Heart Evangelista on keeping her lovelife private: “I think I’ve learned it the hard way but, definitely, I want my relationship to be private this time. Kasi ang hirap. Nothing is certain in life and then you break up. Hayan na naman. Ang dami ko nang breakups. Mas mabuti nang tahimik. Gusto ko namang pag-usapan ang pinaghihirapan ko, pinagtatrabahuhan ko, at hindi na lang puro personal na buhay. At saka, mas marami ang nasasaktan kapag public kayo sa relationship.”

Photo: Noel Orsal

“But we’re really good friends.  

“And there are times, nag-click kami sa moment na yun, but we’re really good friends.”

Dugtong pa niya, “I know, he’s back with his girlfriend. 

“So, we’re really on a certain time na nag-click kami and lahat pa kami sa Legacy, we’re all so close. 

“So, hindi talaga siya ano.”

Naipakilala na raw siya sa pamilya ni Sid.

“Kasama ko noon sina Alex, sila Lovi… So, it was really ano… I’m very open naman about it.”

Sina Alessandra de Rossi at Lovi Poe ay nakasama nina Heart at Sid sa Legacy.


DANIEL MATSUNAGA. Kung sakali raw siyang ma-in love muli, hindi na raw sa foreigner. 

Ang huling boyfriend ni Heart ay ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga.

Pero paglilinaw ni Heart, “Not for anything, Daniel is mabait. 

“It’s just that he’s different from the way I was brought up. 

“But we’re friends. We still talk to each other from time to time. 

“Nagkakamustahan kami and happy kami now. Okay kami.

“And it’s really nice na okay kayo ng ex mo. It’s not all the time na friends ka with your ex.”