Even before APO Hiking Society decided to split, Buboy Garovillo already planned to stay in show business as an actor. That is why the former member of the group is still very visible on television and movies. “I was just fortunate na when APO retired two years ago, I had a toe or a foot in in show business. I’m fortunate that in the past three years, I was employed,” he says.

Photo: Noel Orsal

Masaya ang singer-actor na si Buboy Garovillo na sa kabila ng pagpapahinga ng APO Hiking Society ay aktibo pa rin siya sa showbiz.

Ang APO Hiking Society ay ang legendary OPM singing group na binubuo nina Buboy, Danny Javier, at Jim Paredes.

Sila ang nagpasikat ng mga sumusunod na OPM classic songs: "Awit ng Barkada," "Batang-Bata Ka Pa," "Blue Jeans," "Do Bi Doo," "Ewan," "Heto Na," "Kabilugan ng Buwan," "Lumang Tugtugin," Mahirap Magmahal Ng Syota Ng Iba," "Nakapagtataka," "Panalangin," "Pumapatak Ang Ulan," "Saan Na Nga Ba'ng Barkada," "Salawikain," "Tuyo Na'ng Damdamin," at "Yakap Sa Dilim."

Ang mga awitin ng APO ay tampok sa pelikulang I Do Bidoo Bidoo na kasalukuyang palabas sa mga sinehan.

Madalang nang makita ngayon si Buboy na kumakanta kasama sina Jim at Danny, subalit nananatili siyang visible sa industriya sa pamamagitan ng pag-arte sa telebisyon at pelikula.

Sa pelikula, napanood siya kamakailan sa Just One Summer ng GMA Films at sa Cinemalaya 2012 entry na Ang Nawawala.

Sa TV naman ay nakasama siya sa cast ng telefantasyang Alice Bungisngis and Her Wonder Walis at mapapanood sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Aso Ni San Roque.

Bukod sa musika, nakahiligan na rin daw ni Buboy ang pag-arte.

“My being on the television and the movies, I’ve been working on this for the past five years na, e. Even when I’m still with APO.

"Kasi I really love performing,” pahayag ni Buboy nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na inihanda para sa commercial run ng Ang Nawawala kahapon, Setyembre 4.

Dagdag pa niya, “I was thinking kasi noon… Di ba, kapag nasa showbiz ka, sasabihin nila, ‘O, ano ang gagawin mo? Magnenegosyo ka?’

“I’ve tried that before long time ago. Kapag nag-negosyo ka tapos magsu-showbiz ka, malulugi ka.

"Mamili ka na kung ano ang gusto mong gawin.

“I abandoned the negosyo idea.

"Sabi ko, kung ito [pag-arte] ang gusto kong gawin, ito na lang ang gagawin ko.