Hindi man inamin ni Ms. World 2011 first princess Gwendoline Ruais (gitna) kung ano ang namamagitan sa kanila ni Mark Bautista, sinabi niya na ang singer ang isa sa mga pinakamalapit na lalaki sa buhay niya ngayon. Ayon sa kanya, "Yung masasabi ko lang is that we get along great and we enjoy each other’s company."

 

Kasama ni Gwendoline sa larawan ang Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown first runner-up na si Mara Yokohama (kaliwa).

Photo: Noel Orsal

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ms. World 2011 1st princess Gwendoline Ruais sa gala premier ng indie film na Captive, sa Greenbelt 3, Cinema 2 noong Lunes, September 3.

Sinamahan ni Gwendoline ang kaibigang si Mara Yokohama na naroon naman para suportahan ang inang si Maria Isabel Lopez, na isa sa mga miyembro ng cast ng pelikula.

Si Mara ay ang Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown first runner-up.

Agad na kinumusta kay Gwendoline ng PEP at ng mga kumakapanayam na miyembro ng media si Mark Bautista.

Unang nakitang magkasama ang beauty queen at ang singer noong July 21 sa Sarah Geronimo 24/SG The Repeat concert sa Smart-Araneta Coliseum.

Nasundan pa ang pagkakita sa kanilang iyon sa iba pang lugar at okasyon.

“We’re good friends. We enjoy each other’s company," sagot ng beauty queen.

“Yung masasabi ko lang is that we get along great and we enjoy each other’s company. Yun."

May tsansa bang maging mas malalim pa ang closeness nila ni Mark, o maging sila na in the days to come?

“Nobody knows what the future holds. Pero as of now, I’m very happy about my life and my friends… 'Yan sina Mara and sina Mark.”

So, sa ngayon ay masasabi niyang sila ni Mark ay "exclusively dating"?

Pag-uulit naman ni Gwendoline sa kanyang sagot, “I don’t know what the future holds.

“But for the record, when I date, exclusive lang talaga, hindi naman ako nag-iiba.

“Pero hindi ko naman sinasabi na nagde-date ako ng kahit sino.”

Masasabi ba niya na sa labas ng kanyang pamilya, si Mark ang pinakamalapit na lalaki sa kanya ngayon?